^

Entertainment

‘Fruits & Consequence’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

May mga prutas na sa pagtingin pa lamang,

Kung hinog na o hilaw pa ay malalaman,

At sa mga hilaw pinakamadali d’yan

Eh di MANGGANG HILAW tinatanong pa ba ‘yan?!

 

At bakit nga ba bukod-tanging ito lamang

Ang bungang-kahoy na may “hilaw” sa pangalan?

Papaya’t bayabas na ubrang kasunod n’yan,

‘Di pa hinog o bubot pwede nang lantakan!

 

Merong ilang fruits na medyo may kahirapan

Malaman kung ripe to eat na unless hawakan,

At kung minsan pa nga kahit pakiramdaman,

Sablay pa rin ‘tapos mabuksan at matikman!

 

Palagay ko persimmon na ang pinaka,

Pinakamahirap sabihin kung hinog na!

‘Di katulad ng kalahi n’yang kamatis s’ya

Na pwede nang kagatin berde man o pula!

 

Subalit custard apple o ‘yung ATEMOYA,

Madali lang malaman kung hinog na s’ya!

Ang patulis na bahagi pag malambot na,

Ateng bongga na sugar apple — cherimoya!

 

Check! ‘Yang sugar apple ang ATIS natin dito,

Ngek! ‘Yan nga palang “sugar” marinig ayoko!

Dahil nang magpa-Blood Chemistry Test Poet N’yo,

Pwede na raw gawing arnibal ang dugo ko!

 

Nayyy! Pananaw ko sa prutas ay nagbago na!

Kung hinog o hilaw pa’y ‘di na mahalaga!

Pag nagkaka-edad tinitingnan na pala —

Kung mataas ang sugar! O hijo de fruta!

 

Imadyinin n’yo na lang na noong araw pa,

Favorite na ang lychees fresh man o de lata!

Hanap pa’y malalaki at galing ng China!

Lecheng litsiyas mataas sa sugar pala!

 

Naalala tuloy nung dugo’y magpakuha,

Kaya siguro sugar sa dugo ay sobra,

Dahil kilo-kilong mangga aking tinira!

Kung alam ko lang di sana muna’y nagdyeta!

 

Isa pang alam kong marami ‘kong tinira

Ay FIGS o IGOS, ‘yung mga brands alam n’yo na!

Meron pang pinatuyo galing Barcelona,

Ubos isang kahon! Isaac and Paul ano ba?!

 

At s’yempre ang GRAPES mawawala ba sa lista?

For your information INAASINAN ko pa!

Nakupo! Ayokong maging member ng MEDIA!

MEDIA-BETES! Kaya maghihinay-hinay na!

 

Kailan ko lang nalaman sa sugar mga LOW—

Mga klase ng berries at ang AVOCADO!

Wala naman daw bawal ‘wag lang abusado,

Kumbaga sa mangga kainin lang ay buto!

 

Pagnanasa na sa pisngi’t laman mayroon

Sa mangga, kumbaga isa nang FRUITSTITUTION!

Kaya ayun, sabi nga, it came to fruition

Ang sobra kong “sweetness” pagdating ng panahon!

 

Pero alam n’yo ba paborito talaga?

Ayaw sanang sabihi’t malalaman n’yo pa!

Pero promise n’yong ‘wag ipagsabi sa iba,

‘Sabagay mahirap ding makita’t makuha!

 

Favorite ko sa lahat FROZEN ARATILIS!

Muntingia Calabura Tree yata in English,

O ano, nagulantang kayo?! A-RA-TI-LIS!

Kung meron kayo bigyan n’yo naman ako PLEASE!

 

‘Sabagay pwede naman kahit anong berries,

Kahit iba-iba basta vanilla i-mix,

Pero the best pa rin tip ko sa aratilis,

Basta ba FROZEN eh di LET IT GO! ‘Kainis!

 

 

vuukle comment

FRUITS & CONSEQUENCE

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with