^

PSN Showbiz

Enrique sabit sa Darna ni Liza! Aiza umaasang makakapag-ampon din ang mga gay couple sa bansa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK:  Negosyo sa kaartehan sa kuko ang naisipan ng mga Kapamilya young stars, kaya pati fans nila ay nagpapatalbugan din sa pagsuporta ng nail spa ng kanilang idol. Ilang buwan na ang nakararaan ay may binuksang Nails.Glow si Nadine Lustre dahil sa ini-endorse niya ito. Matatagpuan ito sa Walter Mart sa may Visayas Avenue. Meron din si Liza Soberano na Bellissima, at si Kathryn Bernardo naman ay malapit na ring buksan ang Kath Nails niya sa may SM North EDSA.

Nang magpa-survey kami sa radio program na­ming Showbiz Talk Ganern sa DZRH, mas maraming KathNiel fans ang nagparating ng mensaheng susuportahan nila itong bagong negosyo ni Kathryn.

PAK: Si Aiza Seguerra ang isa sa nag-react at natuwa sa bagong batas sa Japan na puwede na raw mag-adopt ng baby ng same-sex partner. Isa siya sa umaasang mangyayari rin ito sa ating bansa.

Matagal na ring gustong magka-baby ng mag-partner na Aiza at Liza Diño pero medyo madugo at kailangan ng malaking datung para magka-baby, na kung saan ang gusto sana nila ay kumuha sila ng sperm donor at ii-inject ito kay Liza kasama ang egg cells ni Aiza. Pero hindi pa nila masabi kung kailan nila ito gawin.

Ang bagong kasal namang sina Francis Libiran at Christian Mark Jacobs ay balak na ring mag-adopt ng baby. Type raw ni Francis ng baby girl. “Masarap bihisan eh,” natatawang pakli ni Francis.

BOOM: Sumagot na rin sa amin ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz nang tanungin namin tungkol sa pagiging Darna ng prettiest Kapamilya young actress.

Sabi lang ni Ogie, ang pagkakaalam daw niya maraming Kapamilya stars ang pinagpilian at isa na rito si Liza. Pero wala pa raw sinasabi sa kanya na ito na ang napili.

Reaksyon naman ni Liza, “Hindi ko po alam. Wala pa naman pong official announcement saying that I am going to play. If ever, I would love the role.”

Isa raw si Enrique Gil sa susuporta.

“Sana po, malaking bagay po ‘yun.

“I’m gonna support her naman. Kung siya talaga…siya talaga.”

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with