^

PM Sports

Pacquiao-Horn fight pormal nang ihahayag

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ngayon ay makakahinga na nang maluwag si Au-stralian contender Jeff Horn.

Ibinunyag ng Fairfax Media na napirmahan na lahat ang papeles para sa promosyon ng laban nina Manny Pacquiao at Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Naplantsa na ng Top Rank Promotions at ng Duco Events ang detalye ng Pacquiao-Horn championship fight kasama ang Queensland Government at Brisbane City Council.

Kamakailan ay inihayag ni Bob Arum ng Top Rank ang pagdedepensa ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ng kanyang suot na WBO welterweight title laban kay Horn (16-0-1, 11 KOs).

Nauna nang nadiskaril ang pag-uusap ng Top Rank at Duco Events para sa pagtutuos nina Pacquiao at Horn matapos kausapin ni Michael Koncz, ang Canadian adviser ni 'Pacman', ang isang investment group sa United Arab Emirates.

Nangako ang nasabing grupo ng premyong $38 milyon para sagupain ni Pacquiao si dating British world light welterweight king Amir Khan (31-4-0, 19 KOs) sa Dubai.

Subalit nabigo ang UAE group na maipakita ang pera sa grupo ni Pacquiao kaya muling tinanggap ang alok ng tropa ni Horn.

Matapos ang laban kay Horn ay itatakda naman ang bakbakan nina Pacquiao at Khan sa Oktubre o Nobyembre.

“I’d still like to fight Pacquiao, if that fight can be made. Putting the fight anywhere, even in America or the UAE, would be massive. If they want to open a market in Dubai I think it’s a key fight,” sabi ni Khan, dating sparmate ni Pacquiao.

vuukle comment

JEFF HORN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with