^

Pang Movies

Ogie apektado sa nasirang simbahan

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Tiyak na naapektuhan si Ogie Alcasid sa katatapos na lindol na naganap sa Batangas last Tuesday, April 4.

Taaleño kasi si Ogie, since ipinanganak at lumaki siya sa Taal sa Batangas. Kilala at tinitingala ang pamilya Alcasid sa nabanggit na lugar.

In any case, bagama’t ayon kay Mayor Pong Mercado, zero casualty naman ang kanilang bayan, nalulungkot pa rin silang mga residente, dahil labis na pinsala raw ang nilikha ng lindol sa kanilang simbahan, na centuries old na.

Kaya, off limits daw muna ito sa mga deboto. ‘Di alam ni Mayor Pong kung hanggang kelan mananatiling sarado muna ang simbahan. Na labis daw na nakakalungkot, since malapit na naman ang Semana Santa.

May magandang memories kay Ogie ang Basilica. Dito sila ikinasal ng kanyang Australian-beauty queen first wife na si Michelle Van Eimeren, nearly 20 years ago.

Dalawa ang kanilang anak. Ang panganay nilang si Leila ay kasalukuyang nakatira rito sa Pilipinas, sa kanya at sa kanyang second wife na si Regine Velasquez.

Si Sarah, his and Michelle’s second daughter is in Australia with Michelle and her new husband.

Maglilimang taong gulang naman si Nate, ang anak nina Regine at Ogie.

TNT kids, iisa ang gustong gawin sa perang mapapanalunan

Nakaka-impress, Salve A., kung ganda ng boses ang pag-uusapan, sa mga kabataang constestants ng ongoing Tawag Ng Tanghalan (TNT) Kids segment ng noontime show na It’s Showtime.

Ang gaganda lalo ng kani-kanilang kuwento. Kung paano nila na-develop ang kanilang magandang boses at ang dahilan kung bakit sumali sila sa TNT.

Kadalasan ang sagot nila sa tanong kung ano ang gagawin nila halimbawa, sa perang kanilang mapapanalunan, ay dahil gusto nilang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya o maipagpatayo ng bahay ang kanilang pamilya.

While we agree na napaka-noble ng adikain ng mga kabataang ito.

Well, sa pagsali nila sa kontes, pero huwag din sana nilang kalimutan na iba pa rin kung may pinag-aralan ka. Kung may natapos ka, lalo’t kung may college diploma ka.

Kaya maganda ang ginagawa ni Vice Ganda sa pagbibigay ng advice sa TNT Kids, na huwag nilang pabayaan ang kanilang pag-aaral.

Mga Pinoy mahilig sa international singers!

By the way, sino ang may sabing mara­ming mahihirap na mamamayan ang Pilipinas?

Well, based on the number of our kababayan, who watched the recent concert of Coldplay, na ang estimate ng marami ay puwedeng umabot ng 35,000 or more, can one imagine kung magkano ang kinita ng producer ng show, considering na ang pinakamahal na ticket costs, more or less, close to P30,000.

And based on report na naririnig at nababahala na namin ngayon, marami pang international singer ang nakatakdang mag-perform sa Pilipinas.

Obvious na hindi na naman uso sa ating mga Pilipino ang kasabihang tangkilin natin ang sariling atin.

Sikat na celebrity ‘di nakikilala ng ina sa rami ng ipinaretoke!

Now guess daw Salve A., kung sino itong celebrity, na dahil sa raming ipinaretoke sa kanyang mukha, minsan daw tinanong siya ng may edad na niyang ina, nang magmano ang anak sa kanya, kung sino siya?

Clue?

You see her on TV most of the time.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with