^

Pang Movies

MTRCB nagpa-pressure sa x rating

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Binawi ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang nauna nilang ibinigay na X rating sa pelikula ni Iza Calzado, dahil na rin sigu­ro sa pressure mula sa social media at mga supporter ng mga pelikulang indie. Sinabi pa ni Calzado na mukhang may double standards kasi pinayagan iyong Fifty Shades Darker na may mga nakahubad din sa eksena.

Alam naman ng director ng pelikula ni Iza na kaya sila nakakuha ng X rating ay dahil sa isang eksena ng “masturbation” ng isang babae at mga eksena ngang hubad.

Sa parte naman ng MTRCB, hindi nila sinabi kung nagkaroon ng compromise, kung inalis ba ng mga producer ang sinabi nila noong una na mahahalay na eksena o binawasan man lang iyon. Basta ang lumabas na lang, ginawa nilang R-18 ang pelikula.

May mga nagsasabi nga na ang gobyerno ngayon ay madaling sumuko basta na-pressure ng social media. Hindi ba iyong grupong Kadamay na bigla na lang ding kumuha ng bahay ng may bahay, ngayon ibibigay na ang mga bahay nang walang bayad, kaya nga umaangal naman iyong mga unang nakakuha ng pabahay na nagbabayad. Iyon ay maliwanag na anarkiya, pero pinayagan eh.

Itong nangyari sa pelikula ni Iza, magiging precedent din naman iyan. Basta may gumawa ng ganyan, o higit pa, at binig­yan nila ng X rating, tiyak na ang gagawin ng mga iyon at bibigyan sila ng pressure at wala silang magagawa kundi gawin ding R-18. Kasi sasabihin sa kanila bakit iyong pelikula ni Iza pinayagan nila?

Iyang mga ganyang bagay ay banta sa kaayusan at iyan ay nakakatakot. Maliwanag ngayon na hindi na rin tayo dapat na maging kampante, at kung sa palagay natin may mga pelikulang hindi dapat mapanood ng mga kabataan, tayo na ang pumigil, at huwag silang bigyan ng pera para manood ng mga ganoong pelikula. Kung sa bagay, indie naman iyan, at inilabas na nila sa UP Theater.

Tiyak namang kaunti na lang ang manonood niyan sa mga sinehan kung sakali. At dapat bantayan iyan ng MTRCB, baka naman sa kagustuhang may pumasok sa mga sinehan nila ay payagan sa sine ang mga mas bata.

LJ awang-awa kay Mark Anthony

Malungkot si LJ Moreno at nagsabing nakakadurog ng puso ang sitwasyon ngayon ng pinsan niyang si Mark Anthony Fernandez na nakakulong pa at hindi binigyan ng karapatang magpiyan­sa matapos na mahulihan sa kanyang kotse ng isang kilong marijuana noong nakaraang taon.

Sabi ni LJ, masyado raw mahigpit ang batas natin sa marijuana, ganoong sa US at ibang lugar ay pinapayagan na nga ang clinical use noon. Eh talagang mahigpit ang gobyernong ito sa droga. Patatawarin nila ang “agaw-bahay”, o iyong mga pelikulang X-rated, pero hindi ang isang nahuli sa droga. Buti nga hindi pa lumaban si Mark.

Sa ngayon daw ipinagdadasal na lang nila ang kalagayan ni Mark. Wala na nga sigurong magagawa sa ngayon kung ‘di iyon.

Aktor inilalako ang scandal sa halagang P5,000!

May isa raw male star na nag-aalok ng sarili niyang scandal video sa mga interesado roon sa halagang five thousand pesos. Wala naman yatang takers dahil hindi naman masyadong interesado sa kanya at saka kung may kumagat diyan, tiyak ilalabas din naman sa Internet at makikita rin nila. Bakit pa sila magbabayad?

Pero weird iyon ha. Siya mismo ang nagbebenta ng scandal video niya.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with