^

Pang Movies

Pictorial nina Kim at Gerald nagliliyab!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagliliyab sa init ang pictorial nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa cover ng isang sosyal na magazine! Nakipagsabayan ang Chinita Princess na healthy body sa dating ka-loveteam.

Health buff na rin kasi si Kim ngayon. Biking, hiking, at kung anu-anong sports ang pinasukan nito bilang bahagi ng pagbabago ng kanyang lifestyle. Na-achieve naman niya ‘yon kaya hindi siya nagpahuli kay Gerald nang magsama sila sa pictorial.

Sa caption ng nasabing magazine, nakasaad ang, “An irresistible tandem, an unexpected reunion – all for the hottest cover of the season. Such is the explosive combination of #KimChiu @ChinitaPrincess and #GeraldAnderson @andersongeraldjr or #KIMERALD, who returns to @metromagph #MetroBodyIssue2017. Just when you thought they have reached the finish line, the two are just getting warmed up with each other for the race of their lives. Showing off the best shapes they’ve ever been in, the two talk their fast-paced lifestyle, their new teleserye, and everything in between.”

KC at Aly sa Australia pa nanood ng Coldplay

Birthday ngayon ni KC Concepcion. Nakalagay lang ang hashtag na #AprilBaby sa kanyang Instagram account.

Bago ‘yon, inilabas ni KC ang pictures nila ng boyfriend na si Aly Borromeo noong manood sila ng concert ng Coldplay sa Sydney, Australia.

Mahaba ang mensaheng inilabas ni KC patungkol sa boyfriend. Basta sa ending nito, nakalagay ang mga salitang, “Welcome @alybor11 to my life…”

Isang sorpresa ang bigay na tickets ni Aly kay KC kaya naman nagbalik-tanaw siya kahapon sa pinanood nilang concert kung saan talaga namang wala silang pakialam sa rami ng tao sa paglantad ng kanilang kaswitan sa gitna ng venue!

Happy, happy birthday, KC gurl!

AiAi gustong burahin ang pagiging tanga sa pag-ibig

Gusto pa ring maging artista ni AiAi delas Alas kung sakaling isisilang muli siya ngayon. Kung may babaguhin lang siya sa buhay, ‘yon ay ang kanyang lovelife.

“Babaguhin ko lang ang mga mali ko. ‘Yung pinagdaanan ko lang sa buhay pag-ibig ko pero ‘yung buong buhay ko, okay lang. Lahat ng pagkakamali ko.

“Na nagdyowa ako ng may asawa. Na ipinilit ko na akala ko walang asawa pero nu’ng nalaman kong may asawa, nandoon pa rin ako. Nahirapan akong humiwalay.

“Tapos, binubugbog na ako, nagpakasal pa ako. Mga katangahan ko,”  tsika ni AiAi sa renewal niya ng contract sa Natural Blend Coffee kasama ang aspiring teenager singer-actress na si Jelai Espino.

Ano ang payo niya kay Jelai sa ambisyon niyang pumasok sa showbiz?

“Maging matatag siya. Ngayon, hindi niya kilala kung sino ang haters at bashers niya dahil sa social media. Mahirap na masarap ang maging artista lalo na ‘pag sikat ka!” diin pa ni AiAi.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with