^

Pang Movies

Nagsumbong sa tatay, Young actor ‘di type ang ka-love team!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi feel ng young actor ang kanyang ka-love team kaya marahil hindi nagki-click ang kanilang tambalan. Hindi na nga sila pinagtatambal ngayon and for sure, nanghihinayang ang young actress dahil bet niya naman talaga ang young actor dahil in all fairness, gwapo naman talaga ito at promising.

Baklang babae at may pagkapalengkera kasi ang young actress, eh conservative pala ang young actor kaya ‘di niya feel ang mga ganyang klase ng babae.

Nagsusumbong ang young actor sa ama niya at aniya, “dad, she’s so loud.”

In all fairness sa young actress, mabait naman ito at hindi plastik na tao, talaga lang may pagka-kikay.

Well, para sa amin, okay lang naman kung ayaw ni young actor sa kanya dahil mga bata pa naman sila at marami pa namang puwdeng itambal sa kanya tutal naman ay hindi rin naman ganun kalakas ang chemistry nila.

Dahil sa buhok, tambalan nina Robin at Jodi ‘di na tuloy?!

Ayon kay Nanay Lolit Solis, nagkaroon na ng story conference ang reunion teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa ABS CBN kung saan ay kasama rin ang alaga niyang si Christopher de Leon. Bongga ang casting dahil kasama rin dito si Robin Padilla.

“Bongga si Jodi, tatlong bigatin ang leading men niya,” kwento ni Nay Lolit.

Pero sa huling interview ng press kay Binoe, parang hindi pa siya sure kung gagawin niya ang serye dahil nga hindi niya pwedeng ipagupit ang buhok niya dahil sa Bad Boy 3 na ginagawa niya ngayon.

Pero ayon naman kay Nay Lolit ay um-attend daw si Binoe ng storycon.

Maganda raw ang project at nakakahinayang nga naman kung hindi matutuloy o kung matuloy man, baka nga ma-out na si Binoe dahil baka tanggihan niya. 

LT na-challenge kina Julia at Angelica

Still on Nay Lolit, excited siya for Lorna Tolentino na isa pa niyang alaga dahil pagkatapos ng mahabang taon, nagbabalik ito sa ABS-CBN at sa paggawa ng teleserye.

Last soap pa ni LT ang Minsan Lang Kita Iibigin sa ABS-CBN with Coco Martin at ang huling teleserye naman na ginawa niya ay sa GMA-7 a year ago with Dingdong Dantes, ang Genesis.

“Parang na-burn out din siya siguro dahil after ABS-CBN nu’n, nag-TV5 pa siya, tapos bumalik ulit ng GMA-7. So after nu’n parang gusto niya magpahinga muna dahil naaaliw-aliw sa kanyang apo (anak ni Rap Fernandez), tapos pag may inaalok-alok sa kanya, kesyo sumasakit ang ulo niya,” kwento ni Nanay.

Dalawa raw ang naging offer ni LT from ABS-CBN, ang isa ay with LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at ang isa nga ay with Julia Montes and Angelica Panganiban.

“Ang mas nagustuhan nga niya ay ‘yung with Julia and Angelica kasi ang ganda ng role niya, mas challenging,” kwento ni Nay Lolit.

Kahit GMA talent si Nay Lolit, okay lang daw sa kanya kung nasa ABS-CBN ang iba niyang mga alaga. Trabaho nga naman ‘yun at ang mga talent niya rin naman ang magde-decide in the end.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with