^

Pang Movies

Katrina takot maungkat ang scandal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi sinagot ni Katrina Halili ang tanong para sa female cast sa presscon ng D’Originals sa 17th floor ng GMA-7 noong Miyerkules.

Simple lang ang tanong na,“Naisip n’yo ba na hindi kayo ang original?”

“Next question please,” ang sagot ni Katrina at naintindihan ng mga reporter ang pinanggagalingan niya.

Given na given kung bakit dedma na lang si Ka­tri­na sa simple question dahil kapag sumagot pa siya, baka maungkat pa ang scandal na kinasangkutan niya.

Mistress na palaban ang role ni Katrina sa D’Originals. Isang uri ng kabit na matapang pa sa tunay na asawa dahil nakikipagtalakan at umbagan siya sa original wife na ginagampanan ni Jaclyn Jose.

Jaclyn choosy sa mga pinapatulan

Sa tunay na buhay, naranasan na ni Jaclyn Jose na manugod ng other woman ng kanyang karelas­yon at dalawang beses na nangyari ang insidente.

Hindi sinabi ni Jaclyn kung sino sa mga na­ging boyfriend ang nahuli niya na nakikipag-date sa ibang babae na nakaranas ng kanyang sipa.

But those were the days. Ngayon, smile na lang si Jaclyn kapag naaalaala nito ang mga ginawa niya noon sa ngalan ng pag-ibig. Malaki ang naitulong ng maturity ni Jaclyn sa kanyang mga positive na pananaw ngayon sa buhay kaya choosy na siya sa pagpili ng mga papatulan na controversy. Very Cannes best actress ang attitude ni Jaclyn.

Aktres mabilis na lumaki ang ulo!

Dedma ang talent manager sa isyu na kinasasangkutan sa kasaluku­yan ng kanyang alaga.

Hindi natin masisisi ang talent manager sa dedma attitude nito dahil lumaki nang husto ang ulo ng aktres mula nang sumikat ito.

Malaki na ang ipinagbago ng ugali ng aktres. Ibang-iba sa asal niya noong nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career.

Pasaway at nagde­desisyon na ngayon ang aktres para sa career niya. Hindi na siya kumukunsulta o humi­hingi ng payo sa tao na nagpasikat sa kanya.

Malakas ang duda ko na nasasangkot nga­yon ang aktres sa isyu dahil siya rin ang may kagagawan kaya hands off ang manager niya.

Dapat may magpaalala sa pasaway na aktres na stars come and go. Kahit sikat na sikat ang mga artista, malalaos din, lalo na kung masama ang kanilang mga ugali at hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob.

Ang dami-dami ko nang nakita na mga artista na sumikat nang todo pero malakas ang paglagapak ng career dahil nagdunong-dunungan at kinalaban ang mga tao na nagmalasakit sa kanila noong nameless pa sila.

Encantadia may payanig sa pagbababu

Isang big show ang inihahanda ng Encantadia cast para sa loyal fans ng numero uno na primetime telefantas­ya ng Kapuso Network.

Ang isang sikat na theme park ang target venue ng big show ng Encantadia na magaganap sa susunod na buwan, bago mag-babu sa ere ang top rating show ng GMA-7.

In all fairness, paganda nang paganda ang mga episode ng Encantadia kaya hinihiling ng fans na bigyan pa ng extension ang kanilang favorite show na malabong mangyari dahil kasado na ang airing sa May 17 ng Mulawin vs. Ravena.

 

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with