^

Pang Movies

Ken inaasahan na ng pamilya

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ngayon ko lang nalaman na breadwinner pala si Ken Chan ng family niya. Limang taon na daw siyang breadwinner simula nang magkasakit at nagkaroon ng kidney transplant ang kanyang ama.

Nagpapasalamat si Ken na nabigyan siya ng magandang career sa GMA nang ipagkatiwala sa kanya ang lead role sa Destiny Rose bilang isang transgender.

Pagkatapos noon ay na-transform ang sarili niyang bilang isang seryosong macho guy sa Meant To Be na ang lakas-lakas ng hatak ngayon lalo na sa mga kabataan. Kaya kahit saan sila magpunta ay dinudumog sila.

BG putok ang summer special

Pumatok ng bonggang-bongga ang summer special ng first part ng Bubble Gang noong Biyernes ng gabi. Ito ay base sa napakataas na ratings nito kontra sa mga katapat na programa.

Kaya malaking bagay ito sa Pradera Verde na location ng summer special ng nasabing programa.

Marami na ngang nag-i-inquire sa amin tungkol sa Pradera ngayong nalalapit na ang Semana Santa. Kaya sigurado kami na tututukan nilang muli ang Bubble Gang sa Biyernes na second part ng summer special.

Win ayaw patalo

Dahil lagi kaming madaling araw na nakakatulog ay madalas sa WIN Radio 91.5 nakatutok ang aming radio at ang DJ na si Jay Machete ang napapakinggan namin na pulos sa sex at erotic discussion ang sinasabi. Pero dedma na kami sa mga ganyan sa edad namin ngayon.

Si Kuya Jay ay editor at showbiz columnist at minsan ay rumaraket sa mga pelikula. Naaliw kami sa mga listener niya na tumatawag sa kanya.

Sa umpisa ng umaga ay si DJ Macho Bibo naman na nagre-report ng mga headlines at sunod sa kanya si Mr. Fu na taga-bulabog ng buong universe na ang quotation lagi ay “Me Ganon?!”.

After lunch naman ay si DJ Tess Mosa na mga heart problem ang topic ng programa niya. Tapos ay si DJ Rhiko Mambo na pinaka-techy daw sa grupo at pinakamasipag mag-post sa social media. Marami pa silang magagaling na DJ, 24 hours kaya naman bukambibig ang WIN Radio 91.5.

(JOE BARRAMEDA)

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with