^

Pang Movies

Cesar tukoy na ang mga taong nangwawasak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Big news ang pagpapatalsik ni President Rodrigo Duterte kay DILG Secretary Ismael Sueno sa puwesto noong Lunes.

Nasasangkot si Sueno sa mga anomal­ya at ito ang sinasabi na dahilan kaya tsinugi siya ni Papa Rody sa puwesto niya.

Ang ginawa ni Papa Rody ang proof na seryoso siya sa binitiwang salita na aalisin niya sa puwesto ang kanyang mga appointee na nadadamay sa corruption ang pangalan.

Noong nakaraang buwan, biktima si Cesar Montano ng mga paninira mula sa anonymous employee ng Tourism Promotions Board.

Mabibigat ang mga paratang laban kay Cesar pero hindi siya tinanggal ni Papa Rody sa posisyon. Nangangahulugan ito na walang basehan ang mga bintang kay Cesar kaya buong-buo pa rin ang tiwala sa kanya ng pangulo.

Ang balita ko, may idea na si Cesar tungkol sa tao na nasa likod ng mga paninira sa kanya. Imbes na panghinaan ng loob, ang smear campaign ang gina­gamit ni Cesar na inspirasyon para pagbutihin ang paglilingkod niya sa TPB.

Ipe hindi pa pwedeng magka-posisyon

May nang-iintriga na iniisa-isa na ni Papa Rody na alisin sa puwesto ang mga appointee niya dahil puwede nang bigyan ng posisyon sa gobyerno ang mga kumandidato pero hindi nanalo noong May 2016 elections.

Waiting ang lahat sa posisyon na ipagkakatiwala ni Papa Rody kay Phillip Salvador na isa sa mga loyal supporter niya.

Hindi pa puwedeng maglingkod sa pamahalaan si Ipe dahil tumakbo siya na bise-gobernador ng Bulacan noong May 2016. Puwedeng bigyan si Ipe ng government position pagkalipas ng isang taon.

Hindi basta loyal supporter ni Papa Rody si Ipe dahil close friends sila.

Madalas na lumilipad si Ipe sa Davao para dalawin si Papa Rody noong mayor pa ito. Higit pa sa magkaibigan ang trato nila sa isa’t-isa. Ibang-iba si Ipe sa mga showbiz personality na naging malapit lang kay Papa Rody nang kumandidato ito bilang pangulo ng Pilipinas.

Minsan nang napabalita na si Ipe ang iluluklok ni Papa Rody bilang MTRCB chair pero mali ang tsismis. Nag-deny si Ipe at true naman ang denial niya dahil si Mama Rachel Arenas ang hinirang na MTRCB head ni Papa Rody.

Arnell ganadUng-ganado sa PAGCOR

Appointee ni Papa Rody si Arnell Ignacio, ang Assistant Vice President for Community Relations and Social Ser­vices ng PAGCOR.

Hindi nagkamali si Papa Rody sa pagpili kay Arnell dahil buong husay na ginagampanan nito ang trabaho na ipinagkatiwala sa kanya.

Hindi nawawalan si Arnell ng mga out-of-town trip dahil personal na pinupuntahan niya ang mga project ng PAGCOR.

Walang puwedeng mag-akusa na tatamad-tamad si Arnell dahil ginagawa niya ang lahat ng mga responsibilidad ng isang PAGCOR official.

Ilang buwan nang naglilingkod si Arnel sa PAGCOR pero wala tayong nababalitaan na nasasangkot siya sa mga anomalya dahil napakalinis ng record niya.

vuukle comment

ISMAEL SUENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with