^

Bansa

TNCs tututukan sa tax evasion

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang humpay ang kampanya ng mga kongresista laban sa mga kumpanyang hindi nagbabayad ng buwis. 

Kailan lang ay isa na namang mambabatas ang humiling sa House na imbestigahan ang mga transport network companies (TNCs) na pinaghihinalaang mga tax evaders.

Nakatuon dito ang pansin ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na ayon sa mga government regulatory agencies ay hindi nagbabayad ng taxes.

“Panahon nang maimbestigahan ang ilang transportation network companies sa akusasyon na hindi nagbabayad ng buwis ang mga ito,” wika ni  Batocabe na siyang naghain ng House Resolution 868 para hikayatin ang Congress na buksan ang mga libro ng TNCs upang malaman kung ang mga ito ay nagbabayad ng buwis.

Ang bill ni Batocabe ay nag-ugat sa mga ulat ng Bureau of Internal Revenue at Securities and Securities and Exchange Commission (SEC) na posibleng sangkot ang mga TNCs sa tax evasion.

Ayon sa Revenue Memorandum Circular 70-2015 ng BIR, ang mga TNC ay itinuturing na transportation service contractor na sakop ng 12 percent Value Added Tax.

Pero pinuna ni Batocabe na, ayon sa record, ilang TNC ang hindi nagbabayad ng 12% VAT dahil ikinaklasipika nila ang kanilang sale of services bilang zero-related transaction kaya wala umano silang babayarang VAT. Isa anya itong tax evasion sa teknikal na pananaw.

Nauna nang nagpatawag ang isa pang mambabatas na si Rep. Arnulfo Teves ng imbestigasyon laban sa mga nangungunang beauty at cosmetic firms dahil sa umano’y tax evasion. Ang hakbang ay kasunod ng paghahabol ng gobyerno laban sa mga hinihinalang ‘large tax evading companies’ tulad ng dambuhalang tobacco manufacturer na Mighty Corporation.

vuukle comment

TAX EVASION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with