^

Bansa

Pinoy fishing boats pinasabog sa Indonesia

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Umaabot sa 81 pangisdang barko ng mga dayuhan kabilang ang mga bangka ng mangingisdang Pinoy ang sinira at pinasabog ng Indonesian authorities.

Base sa report, isa-isang sumambulat sa karagatan ang mga foreign fishing vessels na mga nahuli ng Indonesian special maritime task force dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.

Isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Indonesian police at military ang pagsira sa mga barkong pangisda sa may 12 magkakahiwalay na lokasyon sa karagatan noong Sabado.

Ang nasabing hakbang ng Indonesia ay upang mapanatili ang kanilang soberenya at sa pagsisikap na malakas pa ang kanilang kampanya laban sa illegal fishing sa Indonesian waters.

Sinabi ng Indonesian Maritime Affairs and Fisheries na ang pagsira sa mga barkong pangisda ay matatawag na “victory” o tagumpay para sa kanilang “war against illegal fishing”.

Sa tala, umaabot na umano sa 317 foreign vessels ang nasira ng Indonesian government simula pa noong Oktubre 2014.

Sa nasabing bilang, 142 fishing boats ang sinira mula sa Vietnam, 76 mula sa Pilipinas, 49 sa Malaysia at isa sa China.

vuukle comment

PINOY FISHING BOATS PINASABOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with