^

Bansa

Walang areglo sa Mighty - Dominguez

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan si Finance Sec. Sonny Dominguez na hindi sila makikipag-areglo sa Mighty Corporation at sa may-ari nitong si Alex Wongchuking.

Ayon kay Dominguez, napakarami nang naitalang kaso kung saan bilyun-bilyong halaga ng mga produkto ng Mighty na nahulihan ng pekeng tax stamp.

Idinagdag pa ni Dominguez na walang dahilan para maki­pag-areglo, lalo pa’t lumakas ang kaso ng pamahalaan laban sa Mighty kasunod ng raid sa isa pang warehouse nito sa Bulacan.

Sa nangyaring ito, labas na sa usapan ang anumang pakikipag-usap sa Mighty at sa korte na ang susunod na labanan.

Kamakailan, nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa San Ildefonso, Bulacan ang 160,000 master cases ng produktong sigarilyo ng Mighty na may pekeng tax stamp.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, tinatayang nasa pagitan ng P3.2 bilyon hanggang P4 bil­yon ang halaga ng nasamsam na sigarilyo sa merkado.

Ayon kay Faeldon, mas marami pa ang nasamsam na sigarilyo ng BOC kumpara sa nakumpiskang produkto ng Mighty sa isa pa nitong warehouse sa San Simon, Pampanga.

Kinukuwenta na ng BOC at Bureau of Internal Revenue ang halaga ng excise tax at inihahanda ang panibagong kasong isasampa laban sa Mighty at Alex Wongchuking.

Bago rito, nasabat ang P2 bilyong halaga ng sigarilyo na may pekeng tax stamp sa General Santos City at San Simon, Pampanga.

Sinampahan na ng BIR ang Mighty ng P9.5-billion tax evasion case kaugnay ng paggamit ng pekeng tax stamp sa produkto nitong sigarilyo para makalusot sa buwis.

Nauna nang nag-alok ang Mighty sa pamahalaan ng P3 bilyon bilang areglo sa kaso ngunit hindi ito tinanggap ni Dominguez.

Suportado naman ng iba’t ibang business groups ang desisyon ni Dominguez, sa pagsasabing dapat maparusahan ang Mighty. 

vuukle comment

WALANG AREGLO SA MIGHTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with