^

Police Metro

2 babae nagbigti

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang babae ang nagbigti sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila at Caloocan City.

Sa Maynila kinilala ang biktimang si Kathe­rine Santos, 39, dalaga na natagpuang nakabigti sa kanilang bahay sa 1040 Mindoro St., Sampaloc, Maynila, dakong alas-10:45 ng gabi.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Kathrina wala silang alam na dahilan kung bakit ito nagbigti.

Sa Caloocan City ay natagpuang nakabigti rin ang isang 24-anyos na dalaga na si Angelica Botor, 24,  ng Block 1, Lot 38, Phase 5, Carissa Homes, Brgy.171, Bagumbong ng naturang siyudad.

Sa imbestigasyon alas-8:00 ng gabi nang madis­kubre ang wala nang buhay na biktima ng kapitbahay na si Dexter Alonzo sa kuwarto nito sa naturang lugar.

Huling nakitang buhay ang biktima alas-11:30 ng umaga noong Sabado ng kanyang among si Marvi Bracia, 33.

Patuloy ang imbestigasyon kung may naganap na foul play sa dalawang insidente.

vuukle comment

KATHE­RINE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with