^

Punto Mo

Lalaki sa Vietnam, 35 taon nang hindi nagpuputol ng kuko

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Vietnam ang 35 taon nang hindi nagpuputol ng kuko kaya naman halos dalawang talampakan na ang haba ng mga ito.

Noong una ay libangan lang para kay Yen Giao, 58, ang pagpapahaba ng kuko ngunit nakahiligan niya ito kaya nagpasya siyang hindi na niya muling puputulin ang mga ito.

Mas mahirap pa raw sa pagpapalaki ng mga anak ang pagpapatubo ng kuko dahil kailangang ingatan ang mga ito. Napakalambot daw kasi ng mga kuko na mabilis mabali lalo na kung basa.

Ito ang dahilan kung bakit minsan lang maligo si Giao, na naglalagay pa ng plastic bag sa kanyang mga kamay kapag inaabot siya ng ulan sa lansangan.

Nagpapatulong na lang siya sa kanyang asawa kapag naisipan niyang maligo at madalas ay nagpapasubo siya ng pagkain upang maingatan ang kanyang mga kuko.

Sa sobrang pagmamahal ni Giao sa kanyang mga kuko ay itinuturing niyang kayamanan ang mga ito na hindi matutumbasan ng pera.

Minsang may nag-alok na raw sa kanya ng salapi kapalit ng pagputol sa mga ito ngunit tinanggihan niya ito dahil mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa maputulan ng kuko.

Bagama’t kinikilala si Giao bilang may pinakamahabang kuko sa Vietnam, matagal-tagal pa ang kanyang hihintayin bago siya makilala bilang may pinakamahabang kuko sa buong mundo.

Ang mga 30 talampakang kuko kasi ng Indian na si Shridhar Chillal ang itinuturing na pinakamahaba sa buong mundo.

 

vuukle comment

YEN GIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with