^

Bansa

Yasay pinagbibitiw dahil isa siyang Kano

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinagbibitiw ng ilang kongresista si Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahilan sa umanoy pagiging Amerikano nito.

Ayon kay OFW party­list Rep. John Bertiz, for delicadeza sake, dapat na magbitiw na si Yasay.

Ito ay dahil ang asawa umano ng kalihim na si dating Population Commission Executive Director Cecile Joaquin at ang kanilang tatlong anak ay pawang mga US citizen habang noon lamang 2016 tinalikuran ni Yasay ang kanyang pagiging US citizen.

“Gaya ng nalalaman natin, kapag tinalikuran mo ang iyong American citizenship, hindi awtomatikong mababalik ang iyong Philippine citizenship. Dapat kang mag-aplay nito at sumunod sa proseso,” paliwanag ni Bertiz.

Sa isang ulat mula sa GMA News, inamin ni Yasay na nagkaroon siya minsan ng American passport pero ibinalik na niya ito kasama ng kanyang naturalization certificate. 

Umuwi anya siya sa Pilipinas noong 1987 na ang dala ay Philippine passport.

Ayon pa kay Yasay, nabigyan siya ng US citizenship noong Nobyembre 24, 1986 pero hindi anya ito ligal.

vuukle comment

PERFECTO YASAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with