^

Pang Movies

R.S. Francisco nakauna sa paghuhubad sa teatro

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa mga hindi nakakaalam ay nasa dugo ng theater actor na si R.S. Francisco ang pagiging artista.

Ang ama niya na si Rudy Francisco ay isa sa mga Sampaguita actors noong dekada ’50. Nakilala si Rudy bilang Lolo McDo nang lumabas ito sa isa sa hindi malilimutan na McDonald’s TV commercial kung saan kasama nito ang paborito niyang apo na si Karen played by Karen delos Reyes.

Ang uncle naman ni R.S. na kapatid ng kanyang ama ay ang FAMAS best actor na si Fred Montilla na nagbida sa pelikulang Bondying at nakapareha ang mga movie queens tulad nila Gloria Romero, Lolita Rodriguez, Rita Gomez, Paraluman, Anita Linda, Alicia Vergel at marami pang iba.

Kaya hindi kataka-takang sa showbiz din ang bagsak ni R.S. na unang nakilala sa pelikulang Sibak: The Midnight Dancers noong 1994 bilang isang gay lover ng isang macho dancer.

“Matagal na pala akong artista. 23 years na pala pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance na magbida.

“I started sa theater. I was very active sa U.P. Samaskom where I appear and perform sa annual production of Live AIDS. Nakilala nila ako sa character ko na SM Girl.

“My first big role sa theater na binayaran ako was when I played Song Liling in M. Butterfly. Hindi pa uso ang frontal nudity noon, ginawa ko na siya!” tawa pa ni R.S.

Lumabas sa ilang pang theater productions si R.S. tulad ng Angels In America for New Voice Company at mga Shakespearean plays for Dulaang U.P.

“After I did the movie Markova: Comfort Gay in 2000, I decided to lie low sa showbiz and work behind the camera. I worked as a make-up artist for GMA-7’s Pintados and then nag-Assistant Director ako sa mga TV commercials.

“I returned to acting again sa movies in 2007 via Love Story with Aga Muhlach and Maricel Soriano. Then I did a teleserye for ABS-CBN na Magkaribal. Tapos tuluy-tuloy na ako sa pag-arte ulit.”

Lumabas at nag-produce si R.S. ng mga indie films tulad ng T.P.O. at Bwaya. Ngayon ay siya rin ang producer at bida ng indie film na Bhoy Intsik na isa sa official entries ng Sinag Maynila Film Festival ngayong March.

“This is produced by our company Frontrow Entertainment.

“Frontrow is a multi-level marketing company that sells food supplements, anti-oxidant and skin whitening products. Since it’s doing very well since we opened a few years ago, I decided to put up an entertainment division. Passion ko pa rin ang umarte kasi. Hindi lang ako negosyante, artista pa rin ako,” pagtapos pa ni R.S. Francisco.

Gabby dinipensahan ang kerida

Nagpapasalamat si Gabby Concepcion sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang Afternoon Drama Series na Ika-6 Na Utos.

Kasabay nito, naaawa umano ang aktor sa co-star na si Ryza Cenon kapag naba-bash dahil sa mahusay niyang pagganap bilang kerida na si Georgia.

Alam din ni Gabby na may mga manonood na totoong nagagalit kay Ryza dahil sa role niyang mang-aagaw ng asawa.

 “Huwag naman nilang i-bash ‘yung tao dahil trabaho lang ito,” depensa ni Gabby.

Ivan hindi malimutan ang halik ni Katy Perry

Fresh pa rin sa isipan ng Meant To Be hunk na si Ivan Dorschner ang kiss na binigay sa kanya ng American pop star na si Katy Perry noong mag-concert ito sa Pilipinas noong 2012.

Nag-viral nga ang video na iyon ni Ivan na noong mga panahon na iyon ay hindi masyadong aktibo sa showbiz at kakatapos lang niyang lumabas sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition.

Marami ang nagkaroon ng interes kung paano siya napili ni Katy na umakyat sa stage para mapaghubad ng t-shirt at mahalikan.

Ito ang kanyang ibinahagi sa pag-feature sa kanya ng Tunay Na Buhay.

“Doon kami nakaupo sa harap ng stage, naghahanap siya (Katy Perry) ng Valentine’s date. Sabi niya, ‘If you wanna come up, you have to take it off.’ I was so shy ‘nung time na ‘yon pero kasi ‘yung tita ko, tinutulak ako,” pag-alala pa ni Ivan.

Tumatak na nga sa marami kung sino si Ivan dahil sa pangyayaring iyon at tuwing may nakakakita sa kanya, lagi siyang tinatanong kung masarap daw bang humalik si Katy Perry?

 

 

vuukle comment

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with