^

Pang Movies

Jake tinalo si Alden!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

The Maine Celebration ang title ng special birthday presentation ng Eat Bulaga para sa phenomenal star na si Maine Mendoza na ginanap sa Broadway Centrum kahapon. 

Opening number ng show ay si Maine na agad, singing, played the drums kasama ang mga Music Hero finalist, ginaya lamang niya ang ballet dancers pero hindi siya sumayaw dahil pumasok na si Alden Richards at nag-sing and dance sila.

More success ang wish ng mga Dabarkads kay Maine. 

Para naman kay Tito Sen, ipagpatuloy lang daw nina Maine at Alden ang pagmamahalan nila, gayahin daw sila ng wife na si Helen Gamboa, pero huwag daw gagayahin ang ginawa nilang at 21 siya ay nagtanan na. 

Ayon kay Alden, marami na raw silang ginawa na magkasama ni Maine, at nakita nilang mas malakas sila kung magkasama sila.  May mga naging misunderstanding daw sila pero nabawasan na ngayon na ikinatutuwa niya, sana raw ay magtagal pa ang samahan nila, palagay na ang loob nila sa isa’t isa kaya lahat ng laban at pagsubok kakayanin daw nila.

Apat na lalaking malapit kay Maine ang naglaro sa Jackpot En Poy segment: Alden for yellow team, Kier Legaspi na idol pala ni Maine for blue team, Jake Ejercito, ang Pambansang Classmate ni Maine sa green team at ang unang lalaki sa buhay ni Maine, si Tatay Dub, Teddy Mendoza for red team.  Natalo sa jackpot ni Jake si Alden. Jake won 80k pero ipina-raffle niya ito sa four winners.

Napakaraming natanggap na birthday cake si Maine at biro ni Tito Sen, nanonood daw ang Guinness Book of Records para sa most number of cakes in one day, na tuwang-tuwa si Maine dahil most of the cakes na ipinakita nila ni Alden sa ilang tables sa Broadway studio ay color yellow at biro niya, hindi raw niya alam kung paano kakaining lahat iyon. 

Ini-announce na rin nila ni Alden na ngayong Sunday, at 10:00am, mapapanood ang pilot week ng Destined To Be Yours: A Beautiful Start sa GMA 7 bago ang Sunday PinaSaya.

Mark at Rachelle ann nag-date sa New York!

Dinalaw ni Mark Bautista ang best friend na si Rachelle Ann Go sa New York. Hindi lamang iyon dahil pinanood din ni Mark ang first preview ng Broadway revival ng Miss Saigon sa Broadway Theater sa New York noong March 1. 

Muling ginagampanan ni Rachelle Ann ang role ni Gigi Van Tranh sa longest at award-winning musical.

Post ni Mark sa kanyang Instagram pagkatapos ng cast performance: “With the Broadway star! Just watched the preview of Miss Saigon. What a show! Congrats @gorachelleann!  So happy and proud of you! Wohoo!”

Nasa New York City din si Mark para sa pagbabalik ng Here Lies Love sa off-Broadway, along with some original West End cast.  He will reprise the role as President Ferdinand E. Marcos. Naipalabas na ito sa London last year at umani ng magagandang reviews si Mark.

 

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with