^

Pang Movies

Barbie bubot pa para magbilad ng katawan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang dami pa ring nagsasabi sa amin na panahon na para bigyan ng medyo matured role si Barbie Forteza. Sabi nila, “hindi siya maaaring magpa-cute forever.” May nagsasabi ring “napatunayan na naman niyang kaya niya ang mas mabibigat na roles”. Tama ang lahat ng kanilang sinasabi pero tama nga bang payagan na nating gumawa ng matured roles si Barbie?

Sa kaso ni Barbie, hindi lamang siya nananalo ng awards sa mga seryosong roles, kung di nakukuha pa rin niya ang suporta ng publiko. Mayroon pa ngang pangyayari na sinasabing nasapawan niya ang mga nakasama niyang magagaling din namang aktres, dahil nga in the end ay lumabas na mas sensitibo ang kanyang acting.

Kung ang pagbabatayan naman ay public support, hindi natin maikakaila na parang gusto ng publiko si Barbie sa cute roles hanggang ngayon.

Katunayan diyan ang napakagandang ratings ng kanyang serye, na ang genre ay isang cute love story.

Iyon naman kasing mga seryosong papel na ginampanan ni Barbie ay puro indie.

Eh dito sa atin kahit na sabihin mong anong husay, basta indie, hindi masyadong tinatangkilik ng publiko. Kung mabibigyan si Barbie ng isang seryosong role sa isang mainstream movie, at saka lang natin masasabi kung talaga nga bang tanggap na siya ng mga tao sa ganoong klase ng role.

Ang isa pang punto, na sa palagay namin ay siyang dahilan kung bakit patuloy si Barbie sa cute roles ay ang katotohanang kung ang isang artista ay mukhang magtatagal sa kanilang career, hindi dapat na madaliin ang paggawa nila ng matured roles.

Bong ramdam si Leila

Napakaganda ng gesture ni Bong Revilla. Isipin ninyong padalhan pa niya ng sulat at chocolates si Senadora Leila De Lima na nakakulong din ngayon sa Kampo Crame dahil sa paniniwala niyang makakatulong iyon para maibsan naman kung ano mang pait ang kanyang  nararamdaman dahil sa kanyang pagkakakulong? Sabi ng kanyang asawang si Lani Mercado, alam daw kasi ni Bong kung gaano kapait iyong makulong nang ganoon, kaya naman naisip niyang makisimpatiya kay De Lima. Pero si De Lima ang isa sa mga nagpakulong kay Bong.

Nagpakita rin ng awa si Mayor Lani, sa pagsasabing mas mabuti pa raw ang kalagayan nina Bong at Jinggoy dahil magkasama sila sa isang area at nagkikita’t nakakapag-uusap. Nakakabawas nga naman ng pagkaburyong iyong may kaibigan kang nakakausap.

Sa kaso daw kasi ni De Lima, bagama’t nasa iisang compound sila at nag-iisa iyon sa kanyang area.

Kris nangangati nang mapanood sa TV!

Kahit na block timer lang siya, ipinilit ni Kris Aquino na may mailabas na show sa GMA 7. Sinasabing siya rin ang producer ng travel show at ilalabas lamang bilang special. Hindi na nga siguro niya matiis na maghintay pa ng isang network na kukuha sa kanya dahil isang taon na siyang hindi napapanood sa TV.

May nangangantiyaw pang mukhang hanggang facebook na lang siya at “queen of no media” na.

Pero tingnan natin kung hanggang kailan tatagal ang pagbabayad niya ng air time.

vuukle comment

BARBIE BUBOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with