^

Krema

Krema (131)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG hindi na makagulapay sina Paulo at ang apat na tauhan nito dahil sa tama ng arnis, mabilis na kinuha ni Krema ang mga nakahandang matitibay na lubid.

“Talian natin sila, Lex. Para pagdating ng mga pulis, bibitbitin na lang sila!” sabi ni Krema at ibinigay ang lubid.

“Sige pero bago natin ibigay sa mga pulis gaganti muna ako sa Paulo na ito.’’

“Ikaw ang bahala, Lex.’’

Tinalian nila ang mga paa at kamay nina Paulo at apat na kasama. Sinigurado nilang hindi makakatakas ang mga ito.

“Anong gagawin natin, Lex?”

“Gusto ko makatikim ng kakaibang parusa ang Paulo na ito. Lalagyan ko ng hantik ang mga bulsa ng pantalon at jacket para malasap din niya ang sakit na ginawa sa akin.’’

“Bahala ka Lex. Saan ka kukuha ng hantik?”’

“Maraming hantik sa may punong banaba. Kukuha ako.’’

“Ikaw ang bahala.’’

Nang aalis na si Lex para kumuha ng mga hantik ay nagmakaawa si Paulo.

“Maawa ka Lex, huwag mo akong lagyan ng hantik! Maawa ka Lex!’’

“Marunong ka palang magmakaawa! Pero nang sinisipa at sinusuntok mo ako, para kang demonyo kung magtawa.’’

“Maawa ka Lex. Bugbugin mo na lang ako pero huwag lagyan ng hantik. Takot ako sa anumang uri ng langgam!’’

“Talaga ha? Mabuti at sinabi mo. Sandali at kukuha lang ako ng mga hantik.’’

Umalis na si Lex at nagtungo sa punong banaba na nasa kulungan ng mga itik. Kumuha siya ng mga hantik. Inilagay niya sa isang mala-king tabo at saka bumalik sa sekretong lungga.

“Eto na ang mga hantik! Ang tatapang nito!’’

Nagsisigaw si Paulo.

“Huwaggggg! Huwaggggg!”

Pero nagpatuloy si Lex  sa paglalagay ng mga hantik sa bulsa ng pantalon at jacket ni Paulo.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with