^

Para Malibang

Pangalawang Anino (21)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANANAIG kina Alona at Roger ang kagustuhang huwag mawalan ng masaganang pang-araw-araw na buhay.                  

Kaya mahiwaga man ang Itom at ang kanilang anak ay may pangalawang anino, pinili pa rin nila ang manatili sa lugar na ito.

SAMPUNG taon na si Yawan. Hindi ito ordinaryong bata kung ugali ang pag-uusapan.

“Bakit ayaw mong makipaglaro sa mga batang ‘yan, Yawan? Tingin ko kaya diyan sila sa harapan natin naglalaro ay dahil gusto ka nilang yayain.”

“Ayokong maki­pag­laro sa kanila. Hindi ko gusto ang mga ganyang laro. Nakakainip.”

“Pero bata ka pa.”

“Hindi na bata ang sampung taon, Ina. Hindi ba dinatnan na ako?”

Napahiya si Alona sa pagkadiretso ng anak. “Ah, oo nga pala. Pero kasi, anak ... kahit noong lima, anim, pitong taong gulang ka pa lang, tala­gang hindi ka na mahilig maglaro.”

“Pabayaan n’yo na lang ako. Nag-aaral naman ako at magaling akong mag-aral, hindi ba?”

“Napakagaling. Ikaw ang pinakamahusay. Laging pinakamataas na medalya ng karangalan ang nakukuha mo. Wala kaming maipipintas sa iyo, anak.”

“Ganoon naman pala kaya hayaan mo na lang ako, ina.”

“May itatanong ako sa iyo, anak. Okey lang ba sa iyo kapag nakita mong dalawa ang anino mo?”

Hindi sumagot ang bata. Parang walang narinig.

Kaya lalong nawiwirduhan sa anak si Alona.

“O, bakit ka natitigilan diyan?” Si Roger, pagkaraan ng sampung taon ay nag-iba na ang itsura.

Tumaba ito nang husto. Tumaba rin naman si Alona pero mas malaki ang inilaki ni Roger.

Panay ang lamon nito at wala namang trabaho.

“Kahit anak natin siya kung minsan ay parang natatakot ako sa kanya, Roger.”

“Ano ba namang klaseng salita ‘yan, Alona? Galing siya sa tiyan mo, kinatatakutan mo?”

Umirap sa kalaguyo si Alona. “Palibhasa wala ka na lang alam gawin ngayon kundi kumain, tanggap mo na lang lahat! Kapag naging aswang si Yawan, tatanggapin mo rin?”

Tumingin sa kanila si Yawan, matalim. “Hindi ako magiging aswang. Ang baba ng nilalang na ‘yan!

- ITUTULOY

 

vuukle comment

ALONA AT ROGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with