^

Metro

Brgy. chairwoman itinumba sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 43-anyos­ na punong barangay matapos barilin ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa tukoy na salarin habang naglalakad pauwi ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Chinese Ge­neral Hospital subalit binawian din ng buhay ang biktimang si Chairwoman  Ne­nita Acu?a ng Brgy. 200, Zone 18 at residente ng Hermosa St., Tondo, Maynila.

Inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng suspek na nakasuot ng tribal gear na jacket, bull cap, maong na short at armado ng kalibre 45 baril.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, na­­ga­nap ang pamamaril dakong alas-6:59 ng gabi sa Dela Cruz St., malapit sa pa­nulukan ng Hermosa St., Tondo.

Katatapos lamang uma­nong­ magkabit ng mga tarpau­lin sa lugar ng kaniyang na­sa­sakupan ang biktima at nag­lalakad kasama ang ba­rangay treasurer na si Jess­kenlee Torres, 29 at iba pang kalugar nang bumuntot umano ang suspek at mabilis na pinaputukan ang biktima.

Nang bumagsak sa kalye ang biktima ay agad ding tuma­kas ang suspek habang si Torres­ ay humingi ng sak­lolo sa mga kasamahan para isugod sa ospital ang biktima.

Dakong alas-7:50 ng gabi nang ideklarang patay ang bik­tima.

Samantala, sa naging fol­low-up operation ng mga tauhan ni P/Supt. Alex Da­niel, hepe ng MPD-Station 7, para tugisin ang pinaghihinalaang responsable sa pamamaslang ay isang Ad­rian Tayag, alyas Pitong sa bahay nito sa Tayag St., Tondo dakong alas-7:30 ng gabi ngunit hindi nila ito natagpuan.

Natiyempuhan naman na maaresto sina Allan Tayag, 19, at Florentino Cadano, 32, kapwa residente ng Hermosa  St., na nakuhanan ng dalawang plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 paltik na kargado ng limang bala.

May hinala ang mga ta­u­han ng MPD-Station 7 na posibleng may kaugnayan ang naganap na pamamas­lang kay Acuna sa pagkaka-aresto ng 3 katao sa lugar sa possession of illegal drugs o kasong paglabag sa Republic Act 9165 at illegal possession of firearms o RA 10591 noong Pebrero 25, 2017.

Nakiusap umano pamilya ng mga naaresto kay Acuna na makipagnegosasyon sa mga pulis para makalaya ang mga nadakip subalit ti­nang­gihan sila.

Pinaghihinalaan umano si Acuna na nagbigay ng impormasyon kaya nadakip ang tatlong suspect.

Wala naman umanong ka­away sa lugar ang biktima.

Gayunman, wala pang ma­tibay na basehan sa mo­tibo at kung sino ang suspek sa nasabing insidente. Patuloy pa ang imbes­tigasyon ng MPD-Homicide Section.

 

vuukle comment

NE­NITA ACU?A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with