^

Bansa

‘Type ng Bayan’, sa Parañaque

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Humigit kumulang na nasa 3,000 residente ang nagpakuha at nag-donate ng dugo matapos ilunsad kahapon  sa  pamahalaang lungsod ng Parañaque ang libreng typing program  para sa sektor ng  mahihirap.

Ang ‘‘Type ng Bayan’’ ay isang blood typing program, na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga taga-Paranaque,  na inilunsad ng  Duterte Cabinet Spouses Association (DCSA) at  Metro Manila Mayors Spouses Foundation (MMMSF) sa pamumuno ni Janet Olivarez,  misis ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez. Ayon kay Ginang Olivarez, misyon aniya ng naturang programa ay upang magbigay ng libreng ayuda sa mga mahihirap na komunidad ng sa gayun ay malaman nila ang tipo ng kanilang dugo.

Mahalaga rin aniya ito sa usaping medical  sa pamamagitan ng blood donation at transfusion upang makapagsalba ng buhay. Katuwang ng  DCSA at MMMSF sa naturang programa ang Department Of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government  (DILG).  

 

vuukle comment

TYPE NG BAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with