^

Bansa

Ateneo studes nag-rally kontra death penalty

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aabot sa 200 mga estudyante ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang nag-walk out sa kanilang mga klase para magsagawa ng kilos protesta laban sa pagbabalik ng death penalty.

Bitbit ang kanilang mga placards na nakasulat ang ka­nilang sentimyentong kontra sa parusang kamatayan, humilera ang mga estud-yante sa labas ng kanilang unibersidad sa gilid ng Kati­punan Avenue, Quezon City para ipakita ang kanilang matinding pagkontra sa pra­yoridad na ito ng Duterte administration.

Hinikayat din ng mga estud­yante ang mga moto­rista na bumusina bilang pa­kikiisa sa kanilang ginagawang kilos protesta laban sa death penalty.

Ayon sa mga Atenista, sagrado anila ang buhay at hindi basta kinikitil ng ganun lang guilty man o hindi. “the death penalty should not be passed and we are very much against with the pas-sing of the death penalty,” ayon kay Carmela Vinson, head student council ng pamantasan.

Kinondena  rin ng grupo ang mabilisang pagpasa sa pagbabalik ng death penal­ty ng mga Kongresista sa ikalawang pagbasa nito kamaka-lawa ng gabi.

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with