^

Kutob

Marso 2, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tuluy-tuloy na bumubuhos ang grasyang kaloob ng aking Manlilikha.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Bibigyan ng sapat na atensyon ang mga praktikal na aspeto sa pananalapi. Ikakagalak mo ng lubos ang araw na ito dahil may mangyayaring maganda sa iyong panig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 28, 41 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Susumpungin ka ng sakit ng ulo sa bandang hapon. Mas mabuting agapan ito sa umaga pa lang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 39, 41 at red rose.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magbabago ang iyong magandang pagtingin sa isang kaibigan dahil sa kanyang ginagawa. Mapapahanga mo ang ilang mga taong kumikilatis sa magandang pangangatawan dahil sa iyong pag-eensayo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 30, 40 at lilac.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Isasakatuparan mo ang matagal mo nang binabalak. Magiging kuntento ka sa kasaluku­yang tinatamasa. Kumportable ka sa bagong katrabaho, magkakaroon kayo ng mabuting samahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 20, 31 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang araw na puno ng pag-ibig ang pagsasaluhan, mag-ingat kung hindi pa handang pamilya para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 32, 39 at aqua blue.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang kaibigan na may gusto sa iyo noon pa man ang malalaman ngayon. Maging mahinahon at iwasang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 15, 18, 24, 32 at white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Sisikat ka sa larangan ng sports kung ikaw ay makikilahok sa programang may kinalaman dito. Mag-ingat sa matatalas ang dila, baka hindi ka makapagpipigil at makasapak ng tao. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 36, 41 at sun yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang sumbat ng mahal ang magpapalambot sa iyo. Pagkatapos nito ay lalo mo siyang mamahalin. Magkakaroon ka ng pagkakataon na makapamili ng mapagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 27, 35 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang atensyon na nararamdaman sa bandang umaga ay madaragdagan pa lalo sa dapit-hapon. Mada­ling matatapos ang proyekto sa itinakdang panahon subalit mag-ingat dahil may mga pagkakamali na maaaring maulit. Lucky numbers at color for the day ay 7, 30, 33, 35 at shocking pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pag-aaralan mo ang mga posibilidad na maaaring pasukin na negosyo. Huwag pigilin ang sarili na lumigaya. Malalaman mo na ngayon ang kasagutan sa nagpapagulo ng iyong isipan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 26, 37 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Wala kang ganang mag-isip tungkol sa gastusin ngayon dahil sa problema sa pera. Madaling gagaling ang pananakit ng katawan kung magpapahinga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 34, 40 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Mananahimik muna kapag pera ang pinag-uusapan dahil kapos ka ngayon. Ang pagbisita ng minamahal ay magbubunga ng swerte sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 28, 32 at brown.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with