^

Para Malibang

Pumapatay sa Isang relasyon

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Maraming bagay na pumapatay sa isang relas­yon. Tulad ng pagiging kritisismo sa partner na hindi nawawalan  ng reklamo sa isa’t isa.

Yung tipong wala nang nakitang tama sa ginawa ni misis, mister, o dyowa. Hindi pinapalampas na lahat ng pagkakamali na imbes tulungan ay paulit-ulit pang pipintasan sa kapalpakan.

Ang unlimited na kritisismo ay nagbabaon ng sugat hanggang sa tuluyan nang masira ang relasyon. Dapat ay suportahan ang partner at tulungan si mister sa kanyang pagkukulang. Imbes na sumbatan ay pagpasensiyahan at paalalahanan ng kanyang pagkakamaling paulit-ulit din.

Maaaring punahin ang mali ni misis o nobya, pero gawing constructive ang komento nang hindi masakit pakinggan. Ang tamang strategy sa pagpuna ay ang sandwich psychology na positive, negative, at positive ang atake. Sample: sweetheart masarap ang luto mo, kaso maalat, pwedeng timplahan mo uli.

Ganung banat para at least na-appreciate mo muna ang effort niya saka sabihin ang mali, pero sundan ng positive na pangpakalma nang mabuong muli ang kanyang damdaming nasaktan na may positibong pagtatama.

vuukle comment

RELAS­YON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with