^

Punto Mo

EDSA at ang namayapang kapayapaan!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

KALAYAAN, kapayapa-an at pagkakaisa ang inila-larawan sa katagang EDSA. Pero kung hihimayin ang mga naganap matapos ang EDSA 1, wala pa rin namang masasabing lubos na tagumpay na naidulot ito kung ang pamantayan ay ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Tatlumpung taon na ang lumipas pero ang milagro sa EDSA ay naging taliwas  sa inaasahan. Nilamon muli ng maling sistema ang pamamahala sa gobyerno ng mga nagpanggap na mga bayani raw ng EDSA kaya napunta rin sa wala!

Ang naging matagumpay na pag-aaklas noon ng mamamayan na sinuportahan ng Simbahang Katoliko at AFP sa pagpapatalsik kina Marcos at Estrada ang naibahagi ng EDSA 1 at 2  para mabuksan ang kaisipan ng maraming kabataang Pilipino. Pero napunta rin sa wala dahil nalulong naman ang karamihan ng kabataan sa bawal na droga na sumira sa buhay at tahanan.

Nakamit sa EDSA ang pansamantalang kalayaan pero inabuso ng mga sumunod na mga pinuno na nagpasasa rin sa kaban ng bayan. Ang kapayapaan ay binulaga ng bagong mukha ng karahasan dahil sa maling pamamaraan ng mga bagong halal na lider ng bayan. Ang pagkakaisa ay nadiskaril dahil sa pagsasarili ng  ilang nagpanggap na bayani raw ng EDSA.  Kahit pa nga may  ibang naging tapat talaga sa  paglilingkod ay nakubabawan pa rin sila ng mga kasamahan nilang kawatan at istupido!

Ano pa nga ba ang sumasagi sa isip ng mga rebolusyonaryo ng EDSA ngayon kundi manghinayang sa pagkakataon para makapagbago ng pamumuhay ang bagong henerasyong Pilipino. Huwag nating pahintulutan na tuluyang mawala ang kapayapaan sa ating bansa sapagkat may pag-asa pa rin tayong maaasahan!

• • • • •

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with