^

Punto Mo

De Lima, parang teleserye ang kapalaran

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAITUTURING na teleserye ang buhay o kapalaran ni  Sen. Leila de Lima na kinahihiligan ng mga Pinoy na panoorin.

Noong administrasyon ni Noynoy, maituturing na isa sa makapangharihang tao si De lima dahil siya ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Kung babalikan ang kasaysayan ni De Lima, siya ang pangunahing personalidad na nagpursige upang maipakulong si dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod kay Arroyo, naipabilanggo rin ni De Lima sina senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr. na nakasuhan ng plunder kaugnay ng PDAF scam na kinasasangkutan ni Janet Lim Napoles na binansagang “pork barrel queen”.

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin. Totoo ang kasabihan na “weather-weather lang” o pana-panahon lang. Totoo rin na ang gulong ng buhay ay minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim.

Ngayon naman ay si De Lima ang makukulong. Kahapon ay naglabas na ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 sa sala ni Judge Juanita Guerrero matapos na makitaan na may probable cause o sapat na ebidensiya upang mapaaresto ang senadora.

Mas makakabuting naiakyat na sa korte ang kaso ni De Lima dahil ito ang tamang lugar kung saan, maaring maidepensa ang sarili laban sa mga alegasyon sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa Bilibid.

Kung totoong minaniobra at gawa-gawa lang ang kaso laban kay De Lima, maaaring ito ay tapatan ng depensa ng senadora upang malinis din niya ang pangalan.

Madalas din nating marinig noon kay De Lima na rule of law ang dapat mangibabaw kahit pa dating presidente at senador ang kanilang ipinakulong.

Ito rin sana ang dapat nating marinig kay De Lima na magpasailalim sa proseso at ilabas niya sa tamang venue ang kanyang depensa na wala raw siyang kasalanan sa bintang sa ilegal na droga.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with