^

Police Metro

DepEd ipinatigil ang field trip para sa elementary at HS

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatupad na rin ang Department of Education (DepEd) ng moratorium sa mga field trips sa lahat ng public elementary at secondary schools sa bansa kasunod nang naganap na Tanay bus accident na kumitil sa buhay ng 15 katao, na karamihan ay mga estudyante.

Ang kautusan ay inisyu ng departamento matapos ang pagpupulong na ginawa ng mga opisyal ng DepEd, sa pangunguna ni Secretary Leonor Magtolis Briones at mga regional directors nito kamakalawa ng hapon.

Aabutin ng hanggang apat na buwan ang moratorium o hanggang Hunyo 2017, upang mabigyan ng pagkakataon na marebyu ang mga existing policies nito.

Hindi naman aniya sakop ng moratorium ang mga private elementary at high schools ngunit inaasahang magiging bahagi rin sila sa pagre-rebyu ng mga polisiya hinggil sa field trips.

Gayunman, nilinaw ng DepEd na sa kabila ng motarium ay maaari pa ring ituloy ng mga public ele­mentary at high schools ang kanilang educational trips, kung may nakuha na silang permit at kontrata para dito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with