^

Bansa

‘Edsa celebration ‘di na bongga’ –AFP

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi na magiging bongga ang idaraos na selebrasyon sa paggunita sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People’s Power 1 o ang makasaysayang rebolusyon laban sa rehimen ng pinatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos  noong Pebrero 25, 1986.

 Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat umanong mag-move on na ang bansa sa nasabing bahagi ng kasaysayan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Col. Edgard Arevalo, simple lamang ang inihandang selebrasyon ngayong taon na uumpisahan sa bisperas ng EDSA People’s Power 1 (Pebrero 24 ) at hanggang Pebrero 25  o sa mismong araw ng paggunita sa okasyon.

Sinabi ni Arevalo na magsisimula ang selebrasyon sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio kung saan mag aalay ng mga bulaklak na galing kay Pangulong Duterte na ilalagay sa puntod ng mga bayaning sundalo.

Samantalang ang ikalawang aktibidad sa Biyernes ay magkakaroon naman ng ‘Catholic mass’ na gaganapin sa may grandstand ng Camp Aguinaldo na susundan ng awarding ceremony sa mga piling bibigyan ng award at parangal mula sa military at civilian sectors na naging mahalagang bahagi ng EDSA Revolution 1.

Ayon kay Arevalo sa araw ng Sabado (Pebrero 25)  ay magkakaroon naman ng People’s Power wreatlaying ceremony sa EDSA People’s Power Monument na pa­ngungunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Samantala,  iginiit kahapon ni Sen. Bam Aquino na maaaring ipagdiwang ng taumbayan ang EDSA People Power 1 anniversary sa kanilang sariling paraan upang mapanatiling buhay ang alaala nito.

 “Ang celebration ng People Power ay nasa taumbayan. Hindi iyan pagmamay-ari ng isang tao o isang pamilya. That belongs to the people and it’s up to the people. Maraming iba’t-ibang mga bagay kung paano maaaring ipagdiwang ng taumbayan ang okasyon,” ayon kay Aquino.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with