^

Bansa

Bagong People Power malabo - Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil mataas pa rin ang trust rating ni Pangulong Duterte, naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na malabong mangyari ang panawagan ng ilan sa panibagong People Power matapos lumabas si dating SPO3 Arthur Lascañas at kumpirmahin na ang Pangulo umano ang nasa likod ng Davao Death Squad (DDS) noong mayor pa ito ng Davao City.

“Malabo, Malabo. At this point in time especially ngayong time mataas ang trust rating ni PRRD, baka hindi umubra ang people power,” ani Lacson.

Lalo umanong mahirap ang panawagan sa mga miyembro ng Gabinete na kumalas na matapos ang mga bagong rebelasyon laban sa Pangulo.

“Lalong mahirap yan. Kasi appointee ng President yan. Ang iba hindi pa confirmed, ang iba ka-confirm lang. So medyo mahirap,” ani Lacson.

Naniniwala rin si Lacson na bagaman at hindi tiyak ang galaw sa loob ng military, walang indikasyon na sasama ang mga ito sa panawagan ng pag-aaklas.

“But of course di natin alam ano nangyayari sa loob (ng military). Pero all indications, mukhang malabo. Kung meron mang effort sa destabilization medyo malabo mag-succeed,” ani Lacson.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with