^

Punto Mo

EDITORYAL - Magdaos ng earthquake drill

Pang-masa
EDITORYAL - Magdaos ng earthquake drill

ANG huling earthquake drill na ginawa sa   Metro Manila ay noon pang Hunyo 2016 at hindi pa ito nasusundan. Kailan magdaraos ng drill, kapag tumama na ang sinasabing “The Big One” sa Metro Manila. Huwag naman sanang mangyari ang sinasabi ng Philippine Institute on Volcano-logy and Seismology (Phivolcs), na kapag tumama sa Metro ang magnitude 7.2 na lindol ay marami ang mamamatay.

Mahalaga ang pagdaraos ng regular earthquake drill sapagkat maihahanda ang mamamayan sakali at dumating ang pinangangambahang pagyanig. Sa nangyaring lindol sa Surigao noong Biyernes na ikinamatay ng walong tao, mapapansin na walang kahandaan ang mga tao sa nangyari. Nakita sa CCTV na mayroong nagpa-panic at hindi malaman kung saan lalabas ng gusali. Kung regular ang drill, tiyak na makakabisado ang mga gagawin sa biglaang pangyayari. Magnitude 6.7 ang lindol na tumama sa Surigao na ikinawasak ng mga bahay, gusali at tulay.

Ang nangyari sa Surigao ay maaaring mangyari    sa Metro Manila anumang oras, ayon sa Phivolcs, hinog na ang West Valley fault kaya walang makapi-pigil sa paggalaw nito. Noong Mayo 2015, inilabas ng Phivolcs ang mga lugar na sakop ng faultline ganundin ang mga istruktura na nasa ibabaw nito. Ayon sa Phivolcs, ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite.  Noong 2013, nagbabala na ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion. Natukoy ang West at East Valley Fault nang magsagawa ng pag-aaral ang Phivolcs katulong ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau sa tulong ng gobyerno ng Australia.

Magdaos ng regular na earthquake drill at pa-ngunahan ito ng MMDA at Local Government Units. Kailangang maimulat ang mamamayan sa kahala-gahan ng paghahanda sa pagtama ng lindol para walang masayang na buhay.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with