^

Bansa

P5-M ransom ni Jee, sino ang nakinabang?

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais malaman ni Sen. Bam Aquino kung sino ang na­kinabang sa P5 mil­yong ransom na ibinayad ng pamilya ng pinaslang na Korean national na si Jee Ick Joo sa loob ng Camp Crame.

Ayon kay Aquino, mismong ang asawa ni Jee na si Choi ­Kyung-Jin ang nagsabi na nagbayad sila ng P5 milyon sa mga kidnaper noong Oktubre 31, 2016.

Balak busisiin ni Aquino sa pagpapa­tuloy ng pagdinig ng Senado sa Pebrero 2 kung sino ang nakinabang sa ibinayad na ransom.

Ipinaalala pa ni Aquino ang pahayag rin ng Philippine National Police na nagkabayaran sa mall pero hindi na ito natalakay sa pagdinig.

“There was a statement from the PNP na nagkabayaran sa mall pero hindi nila na-monitor kasi ginawa ng pamilya na hindi nagsabi sa kapulisan,” ani Aquino.

Kaugnay nito, hinikayat  ni Aquino si PNP Chief Ro­nald “Bato” dela Rosa na tutukan din ang pagpuksa sa masasamang elemento sa loob ng organisasyon.

Sa pagdinig, bi­nanggit ni dela Rosa na may nakabinbing 893 kasong administratibo laban sa mga tiwaling pulis habang 228 ang naresolba na.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with