^

Police Metro

4 pulis todas sa aksidente

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasawi ang apat na pulis habang 19 iba pa ang nasugatan sa karambola ng kotse, van at dumptruck kamakalawa sa Silway 8, Polomolok, South Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina SPO2 Henry Baliao, ng Tupi MPS at SPO2 Romar Vistavilla, SPO2 Arnel Jales at isang inaalam pa ang pangalan na kapwa nakadestino sa Koronadal City Police Station na nakasakay sa kotse.

Lima sa 20 sugatan ay mga police trainees na nakasakay sa dumptruck na pagmamay-ari ng city government ng Koronadal.

Sa ulat na nakarating kay P/Sr. Insp. Herman Gabat, officer in charge ng Polomolok Municipal Police Station na ang insidente ay naganap dakong alas-11:00 ng umaga nang mag-overtake ang kotse na minamaneho ni Jales sakay sina Baliao at Vistavillas na nasagi ng dump truck dahilan upang mabunggo ito ng kasalubong na pampasaherong van na papuntang General Santos City.

Napag-alaman na pa­punta sa Koronadal City ang kotse at dumptruck upang i-deploy ang mga police trainees sa nasabing siyudad at bayan ng Polomolok.  

vuukle comment

SPO2 HENRY BALIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with