P14-M puslit na yosi nasabat ng Customs
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Manila ang pagtangkang pagpupuslit ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P14 milyon.
Ang pagkasabat sa kontrabando ay nang makatanggap ng intelligence report kaugnay sa hinihinalang misdeclared shipment mula sa Port of Singapore.
Base sa liham ng Federation of Philippine Industries (FPI) Chairman Jesus Arranza, na nangunang convenor ng Fight Illicit Trade Movement (Fight IT), na naka-addressed kay Manila District Port Collector Atty.Vincent Philip Maronilla, hiniling nito sa BOC authorities na inspeksyunin ang kahina-hinalang container vans na naka-consigned sa Faith Achieve Plastic Corporation na iniulat na naglalaman ng mga kontrabandong sigarilyo pero ang idineklara ay pawang mga plastic film at cut plastic base sa import permit.
Nagpalabas ng warrant of seizure at order to conduct examination si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa nasabing shipments noong December 29.
Nagsagawa ng eksaminasyon dito nalaman na mula sa dalawang containers, isa rito ay nakitaan na naglalaman ng 500,000 packs ng kontrabandong sigarilyo na unang idineklarang ang karga ay 900 rolls ng plastic film at cut plastic para sa printing process na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Nahaharap ang nasabing kumpanya sa paglabag sa Section 2530 of the Customs and Tariff Code dahil sa non-payment ng duties and taxes at Section 1400 in relation to Section 1113 ng Customs Modernization Tariff Act (CMTA).
- Latest