^

Police Metro

Rody kay Bishop Bacani: Pareho lang tayo 2 ang asawa Rudy Andal

Pang-masa
Rody kay Bishop Bacani: Pareho lang tayo 2 ang asawa Rudy Andal
Hinimok pa ng Pangulo ang taumbayan na basahin ang librong Altars of Secrets tungkol sa corruption, sex and lies sa loob ng Catholic Church na isinulat ng award-winning investigative journalist ng NewsBreak na si Aries Rufo.
File photo

MANILA, Philippines -  Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bishop Ted Bacani nang ibinunyag nito kahapon na parehas lamang sila na dalawa ang asawa batay sa librong Altar of Secrets.

Hinimok pa ng Pangulo ang taumbayan na basahin ang librong Altars of Secrets tungkol sa corruption, sex and lies sa loob ng Catholic Church na isinulat ng award-winning investigative journalist ng NewsBreak na si Aries Rufo.

“Kung tawagin ninyo kaming mga politicians, madumi. E Kayo?,” dagdag pa ng Pangulo sa pag-atake nito sa mga Obispo at Pari.

Aniya, pare-pareho lamang sila ng mga pari at Obispo ng kasalanan, pambababae kasabay ang paghahamon sa mga opisyal ng CBCP na pagbibitiw kasabay niya.

Wika pa nito, ang ta­nging pagkakaiba lamang nila ng mga Obispo ay hindi siya ‘corrupt’ na tulad nila.

Inungkat muli ni Duterte ang paghingi ng mga Obispo ng Pajero sa panahon ni da­ting Pangulong Arroyo para gamitin daw nila sa charity works nila.

“But there is God. You better cultivate your relationship with God,” dagdag pa ng Pangulo.

“One day I will write a book on hypocrisy, all of it about politicians, but you (bishops) will be have a starring role,” giit pa ni Duterte. 

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with