^

PSN Showbiz

Angeline madalas pumatol sa may sabit na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline madalas pumatol sa may sabit na
Angeline Quinto

Aminado si Angeline Quinto na na-in love na siya sa isang lalaking may karelasyon na. Nasa show business na ang singer nang maranasan ito. “Two years na po na mahal pa rin kahit na nakita ko na po at alam ko na mayroon na siyang ibang partner. Parang ilang mga theme songs din po na siya ‘yung naging inspirasyon ko,” pagtatapat ni Angeline.

Ayon sa dalaga ay naranasan na rin niya ito noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. “Sa Sampaloc (Manila) pa po ako nakatira. Mayroon po akong mahal na mahal na lalaki na may girlfriend siya. Pero alam niya na gusto ko siya. So pumunta ako minsan sa bahay ng guy kahit alam kong nandoon ‘yung babae. Gusto ko lang siya kausapin,” kuwento ni Angeline.

Walang pinagsisisihan ang singer-actress sa kanyang mga nagawa noon dahil iba raw talaga siyang magmahal sa isang lalaki. “Ako kasi kapag nagmahal ako, hindi ko iniisip ang sarili ko. Nagiging priority ko ‘yung love ko hanggang sa matauhan kang bigyan mo rin ng priority ang sarili mo. Pero kung naging tanga man ako sa pag-ibig, no regrets. Kasi marami akong natutuhan doon. Hindi ko na babalikan ang gano’ng experience kasi mas nag-mature na ako,” paliwanag ni Angeline.

Pelikula nina Edgar Allan at Alex nabuburo na lang

Noong isang taon pa napabalita ang tungkol sa paggawa ni Edgar Allan Guzman ng isang album sa Star Music. Pinaghahandaan daw mabuti ng aktor ang proyekto kaya medyo natagalan sila sa pagbuo nito. “Oo nga eh. ‘Yun nga rin po ang pinag-uusapan namin. Siyempre nawala na ‘yung momentum para sa Your Face (Sounds Familiar). Pero kasi, ayaw lang namin ng putchu-putchu. Sinigurado lang namin na mapapansin din ng mga tao. Namili kami ng mga songs na pang-masa. Tapos may revival din ako at may upbeat din. Para nando’n na sa isang album,” pagbabahagi ni Edgar Allan.

Matatandaang naging contestant si EA ng Your Face Sounds Familiar season 1 noong 2015. Ayon sa aktor ay itataon na lamang daw pagkatapos ng teleseryeng Doble Kara ang release ng kanyang album. “Balak namin after Doble Kara saka ilabas ‘yung album para may follow up din. Kasi after Doble Kara, wala pa akong bagong show eh. Wala pang next eh. Gusto namin after Doble Kara meron pa ring pag-uusapan sa akin,” pahayag ni EA.

Samantala, nakailang shooting days na ang aktor sa pelikula nila ni Alex Gonzaga na I’ll Never Get Over You pero mukhang hindi na raw ito matutuloy. “Hindi na, hindi ko alam. Wala na akong balita. Naka-nine shooting days na ako do’n. As of now wala pa akong balita. Pero last year, ang sabi nila ire-revise ‘yung script. Nag-stop kami ng shoot. Sad, kasi wala eh. Gano’n talaga,” pagtatapos ng binata.

vuukle comment

ANGELINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with