^

PSN Palaro

12 PBA players papangalanan ni Reyes para sa Gilas 5.0 pool

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagitan ng mga laro ng Alaska at Mahindra sa alas-4:30 ng hapon at salpukan ng Ginebra at Phoenix sa alas-6:45 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City ay may mahalagang announcement na gagawin ang Philippine Basketball Association at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Papangalanan ni head coach Chot Reyes ang huling 12 manlalaro para mabuo ang kanyang 24-man national training pool.

Sa naging kasunduan ng SBP at PBA ay makakapili si Reyes ng tig-isang player mula sa 12 pro teams para sa kanyang national pool matapos ang inisyal na 12 Gilas rookies.

Nauna nang inihayag ni Reyes ang mga pangalan nina Gilas Cadets Mac Belo (Blackwater), Kevin Ferrer (Ginebra), Roger Pogoy (TNT Katropa), Carl Bryan Cruz (Alaska), Von Pessumal (Globalport), Russel Escoto (Mahindra), Ed Daquioag (Meralco), Fonzo Gotladera (NLEX), Matthew Wright (Phoenix), Mike Tolomia (Rain or Shine), Arnold Van Opstal (San Miguel) at Jio Jalalon (Star).

Inaasahang isasama ni Reyes sa Gilas pool sina three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, Globalport back court tandem Terrence Romeo at Stanley Pringle, Barangay Ginebra wingman Japeth Aguilar, Jayson Castro ng TNT Katropa at Alaska small forward Calvin Abueva.

Maaari ding mapabilang sina Paul Lee ng Star, Ray­mond Almazan ng Rain or Shine at Arthur Dela Cruz ng Blackwater.

Hangad ng Gilas Pilipinas 5.0 ni Reyes na makakuha ng silya para sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

Maliban sa 2019 FIBA World Cup ay nakatutok din ang programa ng SBP, sa pangunguna ng pangulo ni­tong si Al Panlilio, para sa 2020 Olympic Games sa Tok­yo, Japan.

vuukle comment

ALASKA AT MAHINDRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with