^

Police Metro

84% Pinoy aprub sa war on drugs ni Digong

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit umani ng mga pagbatikos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang giyera kontra droga ay lumitaw na 84 percent mula sa 1,200 adult respondents ang pabor sa pamamaraan ng administrasyon laban sa kriminalidad habang 12 percent lamang ang undecided at 4 percent lamang ang kumontra batay sa resulta sa isinagawang suvey ng Pulse Asia.

Isinagawa ng Pulse Asia ang survey mula Dis­yembre 6-11, 2016,subalit kahapon lamang inilabas ang resulta nito sa kabila ng  ulat na umabot sa 6,000 na suspects ang napatay ng pulis sa operasyon o extra judicial killings ng hindi nakilalang mga vigilante o miyembro ng drug syndicate mismo.

Nakakuha din ng mataas na approval ratings ang Duterte government sa 11 mula sa 12 isyu at tanging bumagsak ito sa isyu ng pagkontrol sa inflation pero sa isyu ng paglaban sa krimen (84%); pagresponde sa mga biktima ng kalamidad (80%), paglaban sa graft and corruption (76%), pagprotekta sa OFW’s (75 percent), pagmamantina ng kapayaan sa bansa (72%), pagpapatupad ng batas ng pantay (69), pagpigil sa pagwasak sa kapaligiran (69%), pagtatanggol sa integridad ng teritoryo mula sa mga dayuhan (65%), paglikha ng mas maraming trabaho (58%), pag-angat/dagdag sweldo ng manggagawa (57%), paglaban sa kahirapan (51 percent).

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with