^

Police Metro

Mag-asawa ninakawan, tinodas

Joy Cantos, Christina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa kanilang banyo at kusina ang isang mag-asawa kamakalawa ng gabi sa Maragondon, Cavite.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Bienvenido Muncal, 70 at misis nitong si Cecilia, 68, retiradong guro at kapwa residente ng  Brgy. Garita-A ng nasabing bayan.

Ang mag-asawa ay kapwa basag ang mukha, tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang lalaki ay nakatali pa ng lubid sa leeg na palantandaang pinahirapan muna ang mga ito bago tuluyang pinaslang.

Batay sa ulat, dakong alas-6:35 ng gabi nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang isang Reynold Tañagras, 37, negos­yante at kamag-anak upang iulat ang pagkamatay ng mag-asawa.

Ayon kay Tañagras, ay pumunta siya sa bahay ng mag-asawa dahil gabi na ay walang pang nakasinding ilaw ang kanilang bahay.

Pagdating doon ay nakita niya ang duguang mag-asawa na wala nang buhay.

Sa pagresponde ng mga pulis ay nakakalat ang mga gamit at posibleng nanlaban ang mag-asawa sa mga magnanakaw.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with