^

Probinsiya

4 arestado sa drug trade

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
4 arestado sa drug trade
Iniimbentaryo ng isa sa mga tauhang pulis ni P/Supt. Reniel Valones ang mga shabu at iba pang drug paraphernalia na nasamsam sa tatlong suspek na magkakamag-anak matapos ang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan. Nasa likuran naman ang replica ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Apat-katao kabilang ang kapapanganak pa lamang may tatlong buwan na ang nakalipas ang nasakote sa isagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Santa Clara at Brgy. Pob­lacion sa bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Emmanuel Ocfemia 46, scrap collector, ng Brgy. Dalandanan, Valenzuela City; Mae Alelie Ingreso 25, ka-live-in nitong si Victoriano Antonio, 39; at kapatid na si John Michael Antonio, 18, mga residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, naunang nasakote sa buy-bust si Ocfemia sa Brgy. Santa Clara habang si Ingreso, ka-live-in na si Victoriano at John Michael ay naaresto sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion habang nakatakas naman ang kasabwat nilang si Alyas Memot

Narekober sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu, isang digital weighing scale, electric plastic sealer, iba’t ibang drug paraphernalia, dalawang motorsiklo, at dalawang P500 marked money.

vuukle comment

ARESTADO SA DRUG TRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with