^

PSN Showbiz

Sunshine at Macky parang mga bagets ang pagka-in love

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sunshine at Macky parang mga bagets ang pagka-in love
Sunshine Cruz

Si Sunshine Cruz lamang naman ang artista, pero ang current love niya na si Macky Mathay ay papasang isang mahusay na writer sa ganda ng mga messages niya na ipinu-post for the actress, and even her three girls, sa social media. Ang dami tuloy nana­naghili and wish na sila ay nililigawan din ng kapatid ni Ara Mina.

Kung kailan pa parehong nagka­asawa’t anak at pagkatapos ay nahiwalay sa kani-kanilang mga asawa ay saka parang nagmistulang mga ka­­ba­taang nagliligawan ang ba­gong pa­rehang pinag-uusa­pan ngayon sa showbiz circle.

Marami ang nagdarasal para sa dalawang obvious na nagmamahalan at nga­yon lamang pinagtagpo ng kapalaran at binibigyan ng tsansang makatagpo ng ka­nilang ikalawang glo­­ria. Hindi naman nila itinatago ang ka­nilang relasyon. Pinakikilig pa nga nila ang lahat ng sumusubaybay sa kanilang love story. Pero mahirap mag­pa-annul ng marriage dito sa ating bansa.

Sana ay makamit nila ang legal na paghihiwalay sa kanilang mga naunang partners bago pa lumamig ang kung anumang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Andre feeling composer at photog

Marami ang naghihinayang na hindi tuluyang pinasok ni Andre Paras ang basketball. Meron siyang height at sigurado naman na hindi nakopo ni Kobe Paras ang talen­to ni Benjie Paras sa hard court.

Nagsisimula na rin naman si Andre na gumawa ng sarili niyang pangalan sa local showbiz. At habang nagtatagal siya sa kanyang pag-aartista ay unti-unti nang lumalabas ang iba pa niyang mga talento na gustong subukan. Gaya ng paggawa ng kanta at pagiging isang potograpo.

Suportado naman siya ng kanyang ama na nga­yon ay kapareho na rin niyang Kapuso.

Baluktot na Ingles ni Jericho hindi kasiraan

Bakit ba nagagalit tayo sa mga aristang nag-i-Ingles? Ano ba ang problema natin dito? Kung gusto nilang matuto ng lenggwahe ng Kano, sino tayo para pigilan sila? At, ano naman kung mali-mali ang pagsasalita nila? In due time, matututo rin sila. Bigyan na lang natin sila ng panahon kesa naman pintas tayo ng pintas.

Si Jericho Rosales ay madalas nating punahin dahil sa pag-i-Ingles niya. Baka naman pinagpapraktisan niya tayo. Then, let him be. Sa mga bansang pinupuntahan niya, mabilis naman siyang nakakapag-communicate.

Hindi rin kabawasan sa pagiging magaling na artista niya ang broken English niya ‘di ba?

Kris takot maging jobless

May mga negosasyon palang nagaganap bet­ween Kris Bernal and ABS-CBN. Tapos na umano ang kontrata niya sa GMA Artist Center kaya marahil ay nag-i-entertain na siya ng mga outside offers. Hindi naman ito masama dahil baka nga naman mas magandang prospect ang alok ng Kapamilya. Pero kung kapareho rin lamang ang maibibigay ng ABS sa nakukuha niya sa GMA ay stick na lang siya sa network na matagal din niyang pinagsilbihan at nagbigay ng malaking pangalan sa kanya.

Kung aalis naman siya ay siguradong makiki­pag-usap muna ito sa GMA at hihingin ang kanilang blessings bago lumarga.

vuukle comment

SUNSHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with