^

Punto Mo

Lalaki sa Ukraine nagpalit ng pangalan para lang magkaroon ng bagong iPhone

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki ang nagpalit ng pangalan para lang mag-karoon ng bagong smartphone.

Lumilingon na ngayon sa tawag na “iPhone 7” ang dating si Olexander Turin matapos mag-alok ang isang electronics store sa kanilang lugar ng libreng iPhone 7 sa sinumang gagawing “iPhone 7” ang kanilang pangalan.

Hindi naman masisisi sa kanyang ginawa ang 20-anyos mula sa siyudad ng Kiev dahil napakamahal ng pinaka­bagong smartphone mula sa Apple kung bibilhin ito sa kanilang bansa.

Aabot kasi ng $850 (katumbas ng higit sa P41,000) ang isa nito samantalang kailangan mo lang gumastos ng $2 o wala pang P100 kung gusto mong magpalit ng pangalan sa Ukraine.

Noong una ay labis ang pagkabigla ng pamilya ni Ole-xander dahil sa kanyang ginawang pagpapalit ng pangalan ngunit sa huli ay natanggap na rin nila ito.

Inisip na lang ng kapatid niyang si Tetyana Panina na isa lamang ito sa mga paraan ng kanyang kapatid upang ipahayag ang kanyang sarili kaya sulit na rin daw ang ginawa nitong pagpapalit ng pangalan.

vuukle comment

ARNEL MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with