^

Dr. Love

Sagad na ang pasensiya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang gustong ihingi ng payo sa inyo ang tungkol sa sitwasyon sa aming bahay, kaya lang nagbabakasakali pa rin ako na malulutas ito kung patuloy lang akong magpapasensiya, pero sagad na po ako.

Hindi ko sana iindahin kung ang biyanan ko lang ang nakapisan sa amin, pero andun din ang hipag ko na hiwalay sa asawa, kasama ang kaniyang tatlong anak.

Bukod dun ay may nadagdag pang lima katao, na pawang sa kakarampot na kita naming mag-asawa umaasa. Hindi ko na po matatagalan ang sitwasyon naming ito. Parang sasabog na ang dibdib ko, wala na nga kaming privacy na mag-asawa ay sagaran pa ang pagkakapos ng aming pang-araw-araw na gastos.

Noong una ang sabi ng mister ko, pansamantala lang ang kanyang kapatid at ang mga anak nito sa amin. Dahil sa sandaling makahanap ito ng trabaho ay bubukod na silang mag-iina. Pero isang taon na ang nakalipas ay wala pa ring trabaho, Dr. Love. Wala namang natapos, napakamapili pa sa mapapasukan.

Kung sana lang ay marunong mag-asikaso sa bahay ang hipag ko, okey na. Kaya lang kahit ang paglalaba ng mga damit namin ay ibinabayad pa namin sa iba.

Paano po kaya ang dapat kong gawin para matapos na ang paghihirap ng loob ko? Gusto ko po imungkahi na sa probinsiya muna manatili ang biyanan ko at ang hipag ko at mga anak niya.

Masyado na akong nabibigatan, nanga­ngamba rin ako na mawalan ng trabaho dahil sa posibleng pagkawala ng contractualization.

Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Alicia

Dear Alicia,

Natitiyak ko, kung ano ang bigat na nararamdaman mo ay ganon din ang asawa mo, dahil kayo lang ang kumakayod. Marahil hindi niya lang mailabas dahil partido niya ang nakapisan sa inyong tirahan.

Hindi naman masama kung i-open mo sa iyong asawa ang kalooban mo, sabihin mo rin sa kanya ang mungkahi mo, maging ang pa­ngamba mo. Wala naman ibang magtutulungan sa paglutas ng inyong problema, kundi kayo rin na mag-asawa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with