^

PSN Opinyon

Natatanong siya nang diretsahan

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

KUNG may isang bagay na kahit paano’y mabuti sa panunungkulan ni President Rodrigo Duterte ay ang kanyang pagiging prangka at diretsahan sa mga press conferences o kahit ambush interviews.

Maliban sa naging complete at blow by blow ang coverage sa mga ginagawa at mga lakad ng Presidente kasali na ang mga state visits niya nitong mga nagdaang linggo, courtesy ng state-owned PT4 at ng Radio Television Malacañang (RTVM), siya mismo ay sinisikap din masagot ang mga tanong ng media.

Kasi ganito ‘yan, sa mga nagdaang administrasyon ay kailangan talagang ang media ay magpadala ng prepared question sa Presidential Communication Office ilang araw bago ang presscon ng Presidente.

Ibig sabihin hindi pupuwede noon sa mga administras­yong nagdaan na basta-basta na lang natatanong ang pangulo ng kung anu-ano kung hindi magsumite muna ng advance ng mga itatanong. At ng sa ganun ay maihanda na ang Presidente sa kung anong isasagot.

Kadalasan noon ay natatanong na rin ang mga Cabinet Secretaries concerned sa kung tungkol saan ang  mga tanong.

Ganun ‘yon noon. Ngunit iba itong kay Presidente Duterte ngayon.

Oo may mga press conferences na idinadaos si President Duterte depende sa okasyon -- gaya ng departure at arrival ceremonies tuwing aalis siya para sa mga state visits niya.

O maging sa mga engagements ng Presidente sa mga probinsiya at sinasagot naman niya ang mga katanungan ng media.

Wala na pong pinapasa ang media na in-advance na mga tanong para kay President Duterte.

Sinasagot naman lahat ni President Duterte.

Maliit na bagay marahil ito sa iba ngunit malaking bagay din ito para sa media na makuhang matanong si President Duterte ng diretsahan ano man ang paksa.

vuukle comment

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with