^

PSN Opinyon

Sabak na naman si Pacman

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SASABAK na naman sa boxing ang ating pambansang kamao sa Nob. 5, makakalaban niya si Jessie Vargas sa Thomas & Mack Center, Las Vegas. Ayon kay Freddie Roach hindi madaling kalaban si Vargas, kaya dapat maghinay-hinay si Manny, baka makakita ng tiyempo si Vargas makatikim na naman siya ng lucky punch, kagaya ng pinamalas ni Juan Manuel Marquez, at ngayon ayaw na siyang kalabanin nito.

Ang hirap dito kay Manny marami siyang gustong gawin, andyan ang boxing, basketball, pulitika at iba pa. Sana naman tuluyan na niyang tinalikuran ang mga bisyo niya noon, ayon sa kanya iwinaksi na raw niya lahat dahil siya’y isa nang born again Christian.  Alam kong gusto nya uling  bumalik sa eksena, bakit hindi na lang siya magpokus sa boxing, puwede rin naman siyang tumulong sa ating mga kababayan kahit wala sa pulitika. Nang nanalo sa pagka-senador sabi iiwan na ang boxing. Ang problema kailangan siyang kumalas sa Top Rank producer, Bob Arum.  Puwede naman nyang sabihin na ayaw na niya at kung halimbawang idemanda siya kaya naman nyang lumaban.

Para sa akin mas maganda ang laban ni Nonito Donaire at Jessie Magdaleno, ‘yan ang dapat maging top bill dahil parehong magaling ang maglalaban. Ngayon ko lang makikita si Manny na may kasamang Pilipino sa laban.  Balita ko ibinargain ni Bob Arum ang ticket sa halagang $50 para lang mapuno ang Thomas & Mack Center.

Kung maaalala nyo nung naglaban sila ni Floyd Mayweather Jr. halos mapuno ang MGM Grand, kung saan halos umabot ang ticket sa $3,500 sa black market. Nakatikim siya ng pagkatalo kahit walang knock out, dahil ang style ni Mayweather ay cleans and run.  Ayaw na rin siyang bigyan ni Mayweather ng rematch.

Sana makapag-isip-isip na si Manny na  dapat huwag nang bumalik sa ring, tama ang kanyang pamilya, magpokus na lang sa paggawa ng batas.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with