^

Bansa

Meralco nagpaalala sa publiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbigay ng paalala sa publiko ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na maging mas maingat at magpatupad ng electrical safety ngayong Undas o All Saint’s Day long weekend partikular na sa pag-alis ng kanilang mga bahay papunta sa mga lalawigan para bumisita sa mga sementeryo.

Ayon sa Meralco, tiyaking nakapatay at naka-unplugged ang kanilang mga appliances bago umalis ng bahay lalo na ang mga television sets, DVD/Blu-Ray players, stereos at iba pang electronic devices na kumukonsumo ng stand-by power na nagdadagdag ng bayarin sa electric bill.

Kinakailangan ding ilagay ang mga combustible materials malayo mula sa outdoor lighting at iba pang source ng heat o init.

Sinabi ni Public Information Office Head Joe Zaldarriaga, para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Undas ay dapat ma­ging mapagbantay sa pagsi­guro sa electrical safety at efficiency measures.

Inirekomenda ni Zaldarriaga ang pag-set ng thermostat ng refrigerator sa mas mataas ng setting para sa short trips o kung matatagalan ang pagbiyahe ay patayin na lang ito at iwanang walang laman at hayaang bukas ang pinto nito para maiwasan ang pagkakaroon ng molds.

Ipinayo din ni Zaldarriaga ang paggamit ng rechargeable products tulad ng fans, radyo at USB mobile chargers na maaring gamitin sa mga sementeryo dahil sa mas cost efficient at convenient ang mga ito.

vuukle comment

MANILA ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with