^

Bansa

‘Oplan ligtas biyahe’ umarangkada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Oplan ligtas biyahe� umarangkada
Libu-libong pasahero sa NAIA Terminal 3 ang matiyagang naghihintay ng kanilang flight pauwi sa kanilang probinsiya para samantalahin ang mahabang bakasyon ngayong Undas.
Rudy Santos

MANILA, Philippines – Sinimulan na kahapon  ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang  programa na ‘Oplan ligtas biyahe, Undas 2016’ para magaba­yan ang mga motorista at pasaherong bibiyahe patungo sa kani-kanilang probinsiya.

Layunin ng DOTr na matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero na gagamit ng iba’t ibang uri ng transportasyon.

Sa ilalim ng nasabing oplan, inilagay ng DOTr ang kanilang mga kaugnay na ahensya sa heightened alert status sa kasagsagan ng Undas.

Bahagi ng programa ang inspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kaligtasan ng mga bus.

Nag-depoly naman ng karagdagang tauhan ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga toll plazas upang tiyaking hindi humaba ang pila ng mga sasakyan.

Bumuo naman ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng management team na binubuo ng mga airport managers na personal na magbabantay sa ope­rasyon at biyahe ng mga eroplano.

Pananatilihin naman ng Philippine National Railways ang kasaluku­yang dami ng kanilang mga tren sa Metro Manila South Commuter at Bicol Commuter Services.

Nagbabantay namang maigi ang Maritime Industry Authority (Marina) sa lahat ng mga pampasaherong barko bago pa man ang nakatakdang departure nito para tiya­king masusunod lahat ng mga panuntunan lalo na ang “no overloading of passengers and cargo” policy.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with