^

Pang Movies

Luis deserve tambakan ng hosting job

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa cloud nine si Luis Manzano sa tatlong trophy niya sa katatapos lang na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards. Deserving naman talaga si Luis. Kaya nga ibinibigay ng ABS-CBN ang mga hosting job sa kanya ay dahil nakaka-deliver siya. Kaya congratulations Luis.

Jake nagpakatotoo

Dahil wala si Alden Richards ay si Jake Ejercito ang pinagkaguluhan ng press at fans sa ginanap na Star Awards. Paglabas ng ballroom ay pinalibutan na siya ng TV at print press. Hindi na raw nakaiwas si Jake ayon sa kuwento niya sa amin.

Ayaw na muna sana niyang magsalita tungkol sa anak umamong si Ellie. Pero ‘yun nga, naharang na siya kaya sinagot na lamang ang mga tanong. Meaning nagpakatotoo siya. Siguro palakpak ang “flower” ni Andi. Hahaha.

Ryza nagpasalamat sa manananggal!

Magaling si Ryza Cenon sa natatangi niyang pagganap sa Manananggal sa Unit 23B na isa sa mga nominado sa katatapos lang na QCimena Film Festival 2016. Kaya naman masayang-masaya si Ryza na naging parte siya ng pelikula.

Taos-puso niyang ipinaaabot ang kanyang pasasalamat sa isang Instagram post. Aniya, “Ngayong gabi natapos ang screening ng Ang Manananggal sa unit 23B, at ito na ang pagkakataon ko [upang] magpasalamat sa lahat. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kay Lord dahil ibinigay niya sakin ‘tong blessing na ‘to dahil matagal ko itong ipinagdasal sa kanya na makuha ko at ibinigay niya sakin. Salamat din sa QCinema for recognizing me at isa ako sa mga nominated bilang Best Actress. Sa bumubuo ng Ang Manananggal sa Unit 23B, salamat sa pag-aalaga sa akin at sa paniniwala na kaya kong ilipad si Jewel pataas at nalipad ko nga siya! Sa mga co-actors ko, Tita Vangie congrats po, Martin, and Cholo, salamat rin sa support. Hindi magiging makulay ang buhay ni Jewel kung hindi dahil sa inyo.”

                               

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with