^

Pang Movies

Sanya nagkakagusto na kay Rocco

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa mga umiinit pang eksena sa Encantadia, nagtungo si Asval (Neil Ryan Sese) kay Hagorn (John Arcilla) para hingin ang basbas nito para maging kabiyak ni Pirena (Glaiza de Castro) kapalit ng kanyang katapatan at kaalaman sa kinaroroonan nina Amihan (Kylie Padilla). Mari­rinig ito ni Pirena kaya’t ipaglalaban ang sarili sa Ama dahil sa ang tinutukoy na kuta ni Asval ay alam rin niya. Paaalisin ni Pirena si Asval.

Mahahalata ni Wantuk (Buboy Villar) na may gusto si Danaya (Sanya Lopez) kay Aquil (Rocco Nacino) at aasarin niya ito matapos itaboy ni Danaya sina Aquil at Alira (Julia Lee) na iniligtas siya sa paglusob ng mga Hathor.

Magpapakita rin si Cassiopea (Solenn Heussaff) sa panaginip ni Amihan para bigyan ito ng babala tungkol sa magaganap na pagpaslang ni Kahlil (Avery Paraiso) kay Lira (Mikee Quintos) kaya’t marapat lamang na patuloy nitong hanapin si Lira.

Pag-uusapan naman nina Agane (Rochelle Pa­ngilinan) at Asval ang planong pabagsakin si Pirena sa pamamagitan ng pagkakasira ng relasyon nito sa kaniyang ama.

Iiwan nina Adhara (Sunshine Dizon) at Lila Sari (Diana Zubiri) sa kanilang kuta at babalik sa kanilang paglalakbay papunta sa Lireo.

Hindi rin makita ni Imaw sa kanyang tungkod ang kinaroroonan ni Lira dahil sa kapangyarihan ni Ether.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with